Part 119

428 5 0
                                        

"Alam mo, sobrang lasing ko lang talaga kahapon. Ignore that."sabi ko sa kanya. Natawa lang si Agnes.

"Wala na, you can't change my mind anymore wifey. But anyway, eat up and drink that. I'll let you rest first."sabi niya tapos lalabas na sana siya.

"Agnes."

"Yes?"

"Thank you."

"For what?"

"For taking care of me."

"I gotchu wifey."sabi niya tapos kumindat siya at lumabas na.

Kinain ko na yung dinala ni Agnes and ininom ko na rin yung gamot. Nakatulog din ata ulit ako at nung nagising ako, naalala ko nanaman yung mga sinabi ko kay Agnes at kahit yung mga sinabi ko kela Jam. Nag-ayos lang ako tapos nagready na ako para puntahan si Nicole. Nakita ko si Agnes na nasa sala at nanunuod ng TV.

"Uh.. alis muna ako."sabi ko sa kanya.

"O where are you going?"

"Kela Nicole. I'll just get my car. Puntahan ko siya sa condo."

"Oh okay. I can drive you there."

"Hindi na, kasi pagbalik dalawang sasakyan na tayo. Sayang lang yung gas."

"Well, are you sure?"

"Yeah."

"Wala ka ng hangover?"

"Yeah. I feel better."

"Okay. I'll see you when you get home then. Drive safe wifey."

"Thanks." sabi ko sa kanya tapos palabas na ako ng condo nung tinawag ako ulit ni Agnes.

"Uh Pat."

"Yes?"

"Take care. Uwi ka agad ah."

"Yes po."

Lumabas na ako ng condo and nagbook na rin ako ng Grab papunta sa condo ni Nicole. Pagdating ko dun, mukhang may hangover din siya.

"Ang sakit ng ulo ko bakla. Wag na nating uulitin ginawa natin kagabi."sabi ni Nicole sabay sumalampak siya sa sofa.

"Sorry na baks. Nalasing ka tuloy. Pero grabe, hindi ko alam paano ako nakauwi baks. At nakakahiya baks. Ang dami kong tinext kay Agnes."

"Ayan, sige inom pa. Baks, nga pala. Nag-aaya sila Dawn pumunta ng Pangasinan. May bahay naman daw sila Grace dun so di na tayo magwoworry."

"Sige kelan ba yan?"

"2nd week ng December."

"Keri lang. Hanggang kelan?"

"Hanggang 24th."

"Mga bakla kayo ang haba. Baka wala na tayong trabaho pagbalik."

"Bakit? Anak ka naman ng tatay mo bakla, paano ka naman mawawalan ng trabaho?"

"Ako hindi, eh ikaw?"sabi ko sa kanya.

"Excuse me, nakaleave na akis. Kaya ready na akis gumala."sabi niya.

"Fine. Sige na. Magpapaalam ako kay dad."

"Sama mo daw si Agnes ah."

"O bakit nanaman nadamay dito si Reoma?"

"Eh gusto daw nila mameet si Agnes."

"Baks, di keri. Kailangan may maiwan sa 'ming dalawa sa office. Pati baka may ganap din siya."

"Itanong mo lang. Alam kong gusto mo rin naman siya isama, wag ka na magpanggap."

"Tse. Pero sige, tatanungin ko."

Natahimik kami ni Nicole at umupo ako sa tabi niya habang minamasahe niya yung ulo niya.

"Wala ka nang hangover?"sabi ni Nicole.

"Wala na."

"Hindi sa pagkasenglot ah."

"Eh ano?"

"Kay Charlie." I took a deep breath.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon