Part 135

378 7 0
                                    

Sakto naman dumating na sila Migs at kumaway sa 'min. Pero mukhang kilala rin ni Tita Val yung girl kasi lumapit din siya sa kanya para bumati tapos sabay-sabay silang lumapit sa table namin. Umupo na rin sa tabi ko si Agnes.

"Guys, si Karelle nga pala. Siya yung kasama natin for the benefit concert."sabi ni Pao.

Tapos ayun, inexplain lang ni Karelle kung para saan yung org nila and sino yung magiging beneficiaries. Matagal na daw nila yun ginagawa.

"Kelan pala yan?"sabi ni Toni.

"Uh.. sa December 24. Pero we said na let's just have it a bit earlier or sa hapon na lang so that di naman kayo mag-Christmas eve sa daan."sabi ni Karelle.

"Nice. Saan nga 'to?"sabi ni Andrew.

"Sa Baguio."sagot niya tapos ngumiti siya at tumingin siya kay Agnes.

So I guess okay lang pala na hindi kami magkasama sa Pangasinan. At least makakapagkita naman kami sa 24. Kahit papaano magkikita kami ni Agnes before Christmas.

"So guys, alam niyo na ha. Free your schedules. If hindi kayo pwede, let us know."sabi ni Migs. Kailangan ko palang sabihan sila Nicole na aakyat ako ng Baguio instead na babalik ng Manila.

"Sorry, Karelle. Curious lang."sabi ni Keifer.

"Ano yun?"

"You mentioned kasi na you haven't had a benefit concert for them. Pero, bakit kami yung naisip niyong kunin for it?" Nakita ko na tumingin nanaman si Karelle kay Agnes.

"Hindi niya ba sinabi? Eh kasi 'tong si --"

"Bakit naman hindi tayo?"putol ni Agnes.

"Sorry Karelle, pasaway 'to si Agnes eh. Ano yung sinasabi mo?"sabi ko sa kanya. Ano nanamang di mo sinabi sa 'min Agnes?

"Well, Agnes is a special friend of mine and we have been friends for such a long time kaya naman naisip ko na kunin yung band niya. Ayaw pa nga nito ni Agnes at nahihiya daw siya. As if naman may dapat siyang ikahiya."sabi ni Karelle tapos nginitian niya si Agnes. Ah, special friend. Napatingin ako kay Agnes and nakita ko na tinitingnan niya nang masama si Karelle.

"And isa pa, si Agnes --"

"Okay, guys. Ayan na pala food natin."sabi ni Agnes. Nakita ko na Karelle rolled her eyes.

"Hay nako Maristella. Pwede ba? There's nothing to be ashamed of."sabi ni Karelle.

"Agnes is our partner volunteer since high school."tuloy ni Karelle.

Napatingin kaming lahat sa kanya. Agnes was looking very shy dun sa tabi ko. Napangiti si Karelle. She looked like a proud mom na kakatapos lang sabihin yung achievement ng anak niya.

"Fake news."sabi ni Agnes.

"Fake news ka dyan."sabi ni Karelle then she took out her phone and showed us their photos together.

"What?"sabi ni Agnes sa 'min nung napansin niyang nakangiti kami sa kanya.

"Wala."sabi nila Paolo pero ngiting-ngiti rin siya.

Napangiti na lang din ako. I know Agnes wants us to think na siya 'tong mapang-asar na tao but deep down alam naming lahat na there's so much more to her than what she wants us to see.

I smiled to myself. I think I found another version of her that I would fall in love with.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon