Part 36

322 6 0
                                    

"I literally just said na mabaho ka and yet here you are."sabi niya. Umupo na ulit ako at ngumiti na lang sa kanya.

"Why are you smiling? I'm serious."dagdag niya.

"Sino ba kasi may sabi sa'yo na yumakap ka at amuyin ako?"sabi ko sa kanya. Hindi pa rin naman talaga kami parehong nakakapag-ayos. But come to think of it, mabango pa rin naman talaga siya. Bigla tuloy akong naconscious kaya tumayo na ako at nagready para maligo.

"Agnes."sabi ko sa kanya nung natapos akong maligo, kasi nakita ko na nakasandal lang siya ulit dun sa sofa and she has her eyes closed.

"Are you sleeping already?"sabi ko.

"No. But I'm tired and I might fall asleep soon. Why? You need something?"sabi niya tapos tumingin siya sa 'kin.

"Would you like to stay sa kwarto?"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. I just feel that she at least deserves to lie down properly and rest. After all, ilang araw na ring sa sofa siya natutulog at hindi naman relaxing humiga dun.

"You want me to stay with you sa kwarto?"nagtatakang tanong ni Agnes.

"Ayaw mo ba?"tanong ko sa kanya.

"Akala ko hindi ka sanay to sleep beside someone?"

"Yeah, but you deserve to lie down somewhere comfortable. Pero dun ka sa edge ng bed."sabi ko sa kanya.

"Ikaw wifey ha. May binabalak ka 'no?"sabi niya.

"Alam mo ikaw, nagmamagandang loob na nga ako sa'yo eh. Dyan ka na nga lang sa sofa!"sabi ko tapos nung papasok na ako sa kwarto, nagmamadali si Agnes na sumunod sa 'kin.

"Arte mo. Papayag ka rin naman pala."sabi ko sa kanya. Pag higa naming dalawa, natawa ako sa reaction niya. Kulang na lang gumulong siya dun sa kama. Super uncomfy naman talaga kasi sa sofa. Inayos ko na muna yung cabinet ko.

"Ganito pala feeling ng kama."sabi niya. Kawawa rin naman siya eh. I think we should buy a better couch for her. Or baka dapat nga bumili kami ng bigger bed. Ano ba naman kasing naisipan nila Mama at isa na nga yung kwarto, single bed pa halos 'tong kama.

"Agnes, nakakatulog ka ba dun sa sofa? Do you think we should buy a bigger bed na lang?"tanong ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot. When I looked at her, nakita ko na tulog na si Agnes. Napangiti na lang ako. Sobrang pagod nga niya siguro. Humiga na rin ako sa tabi niya. In fairness, cute siya pag tulog. Mukha siyang mabait.

Hindi ko maalala paano ako nakatulog pero nagising ako sa alarm ko and I tried reaching out for my phone at dahil ayokong magising ng tuluyan, kinapa ko lang until the sound stopped. Naalala ko na weekend nga pala ngayon at hindi naman kailangan gumising ng maaga so I just held on to my pillow tighter pero nagulat ako nung gumalaw yung unan ko.

Napadilat ako bigla at ang una kong nakita is yung mukha ni Agnes na ngiting-ngiti sa 'kin. Dun ko narealize na nakayakap pala ako sa kanya kaya sa sobrang gulat ko naitulak ko siya pababa ng kama.

"Ouch."sabi niya habang tumatayo siya. Medyo malakas ata yung pagkakatulak ko kasi narinig kong lumagabog siya.

"Sorry! Sorry! Nagulat kasi ako."sabi ko tapos nagmamadali akong bumaba ng kama para tulungan si Agnes na tumayo. Feeling ko namumula ako. Nakakahiya naman din talaga sa kanya.

"Wifey ah. Sabi ko na nga ba may HD ka sa 'kin eh."sabi niya.

"Kapal ng mukha mo! Akala ko lang unan kita. Malay ko ba."sabi ko sa kanya. Hindi na lalo ako makakatulog nito kaya lumabas na rin ako ng kwarto at naghilamos. Paglabas ko ng cr, nakita ko na nagluluto si Agnes ng almusal at nagre-ready ng coffee.

"O, I thought di ka marunong magluto?"tanong ko. "Or naalog ba ulo mo nung nahulog ka earlier?"

"Iba talaga nagagawa pag nahuhulog."sabi niya tapos ngumiti siya.

"Ang aga pa Agnes susko."

"Ang aga ko kasing nahulog dahil sa'yo."sabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong namula sa sinabi niya. Naalog nga ata ulo nito sa pagkakahulog niya kanina.

"Tse. Siguraduhin mong hindi sunog yan ah."sabi ko sa kanya.

"Yes ma'am."sabi naman niya tapos natawa ako kasi nagconcentrate na siya sa niluluto niya.

Hay nako Agnes. Ang kulit kulit mo.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon