Parang biglang tumahimik yung paligid and all I can hear was my heartbeat banging on my chest. At sa sobrang bilis ng reflexes ko, nasampal ko tuloy siya.
"Ow!"sabi niya tapos hinihimas niya yung pisngi niya.
"Hala sorry!"sabi ko tapos nilagay ko yung kamay ko sa pisngi niya. Bigla naman tumawa sila Jam.
"Huy sorry. Masakit? Patingin ako."sabi ko sa kanya tapos hinawakan ko siya sa may baba para ibaling yung mukha niya at makita ko yung pisngi niya. Namumula nga. Mukhang napalakas ata sampal ko sa kanya.
"Okay na daw Pat. Nakaganti ka na daw."sabi ni Jam tapos tawang-tawa sila.
"Solid!! Anyway. Nahihilo na talaga ako. Goodnight guys. See you in the morning."sabi ni Toni. Kaya isa-isa na rin kaming naglakad pabalik sa mga kwarto namin.
Bigla kong narealize na magkatabi pala kaming matutulog ni Agnes. Parang lalo akong nahiya. Una, dahil hindi naman kami nagtatabi, pangalawa dahil nasampal ko nga siya, pangatlo dahil ramdam ko pa rin yung feeling nung humalik siya sa noo ko. Naglakad na kami pabalik at pagpasok sa kwarto, naghilamos lang din si Agnes. Nung tapos na siya sumunod din ako at paglabas ko, nakita ko na nakahiga na siya dun sa kama at tinitingnan niya yung itsura ng pisngi niya.
"Sorry talaga. Masakit pa ba? Ginulat mo naman kasi ako."
"Grabe feeling ko magpapasa 'to. Sa noo na nga lang eh. Yun na nga yung safest spot eh. Eh di lalo na kung tinuloy ko yung una kong naisip na halikan ka sa lips."sabi niya. Binato ko siya ng unan.
"Hoy!"
"Kalma wifey. Hindi ko nga tinuloy di ba? And I respect you naman. I won't do that unless I have consent."sabi niya.
"Pero Agnes, sorry talaga."sabi ko sa kanya.
"For this? Okay na yun. Alam ko namang nabigla ka."
"No, not just for that. For everything that has happened."sabi ko sa kanya at tumabi na rin ako sa kanya.
"Pat."
"Hm?"
"I wanted to give you something."sabi niya. I turned around to face her and for a few seconds we just stared at each other. Mapungay na yung mga mata niya and I can tell na nilalabanan na lang niya yung antok niya. I smiled.
"Yes? Kaya today?"sabi ko sa kanya. Bigla siyang natawa and she scrambled out of bed. Sinubukan ko ring umupo as I watched her cross the room para may kunin sa bag niya.
"Here."sabi niya.
"Ano naman to?"
"Open it."
Pagbukas ko...
It was a box of films.