Habang nasa daan na kami papunta sa studio, I realized that Agnes was just quiet, but it wasn't the awkward kind of silence. I somehow find it interesting na Charlie who is always very serious, would always have a lot of things to say kapag kaming dalawa lang. She would always tell me stories and oftentimes we would reminisce on certain days we used to spend together and then here's Agnes, na on regular days would really annoy me to death, but I do find myself enjoying her company even when she's quiet.
Narinig ko na kumakanta si Agnes quietly along with the song. Naalala ko tuloy how she's very eager to help manang. I smiled at the thought na may puso rin naman pala 'tong si Reoma.
"Iniisip mo 'ko no?"sabi niya.
"Bakit naman kita iisipin eh kasama kita?"sabi ko.
"So iniisip mo ba ako pag hindi mo ako kasama?"sabi niya sabay ngiting-ngiti nanaman siya.
"Kapal talaga ng mukha mo."sabi ko sa kanya.
"Eh you're smiling kasi for no reason."
"Ang confident mo naman na ikaw yung iniisip kong reason. Hindi ba pwedeng naalala ko si Charlie? Or dahil lumabas kami ni Charlie?"sabi ko.
"Lumabas kayo ni Charlie?"nagtatakang tanong ni Agnes. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng kaba sa tanong ni Agnes. Parang bigla ko tuloy gustong bawiin mga sinabi ko.
"Ah... ano... oo. Kahapon."sabi ko.
"Umuwi ka ba ng Laguna dahil sa kanya?"sabi ni Agnes. Napatingin tuloy ako sa kanya dahil narinig ko na nag-iba yung tono niya. Dapat ba akong maguilty? Should I tell her the truth?
"Oo."sagot ko. Hindi naman na sumagot si Agnes at tumahimik na lang din siya. Luh. Mali ba ginawa ko? Bakit ganyan reaction niya?
Hindi ko alam pero bigla akong naguilty. Napagusapan na rin naman namin dati na okay lang eh bakit ngayon ganito yung reaction niya?
"Huy galit ka ba?"sabi ko pero hindi siya sumagot.
Now I realized na there's two different kinds of quiet when it comes to Agnes: the comfortable quiet Agnes and the scary silent Agnes.
And I don't like scary silent Agnes.
"Pat."sabi niya bigla. Napatingin ulit ako sa kanya.
"What?"
"I know I said na we shouldn't meddle with each other's personal lives but..."
"But?"
"Would you please at least let me know if you're seeing someone?"
"Would you tell me if you're seeing someone?"tanong ko sa kanya. Umiling si Agnes.
"O eh bakit ako sasabihin ko sa'yo?"
"It's not that."
"Eh ano?"
"Kasi there's no need for me to tell you."
"Bakit?"
"Kasi I don't want to date anyone else."