Part 93

389 5 1
                                    

Ilang araw na ring wala si Agnes and tuwing nagigising ako ng madaling araw, sakto lang din na gising pa siya. Siguro dahil busy rin siya or baka nga totoong namamahay siya dun. And since ako lang sa condo, ewan ko, I keep falling asleep sa couch. Kaya minsan sumasakit na rin talaga yung likod ko. I really need to buy a bigger bed.

Umuwi ako ngayon dahil pinauwi ako ni Mama. Nagising ako ng maaga kasi nagpacater si Mama para daw sa bahay na lang ako magcelebrate ng birthday ko. Pupunta sana sila Tita Cy pero dahil wala rin si Agnes, walang maghahatid sa kanila from Baguio. At dahil excited si Nicole, maaga palang dumating na rin siya. Happy naman si Mama kasi tinulungan siya ni Nicole sa pag-aasikaso nung mga tao. Nagulat na lang ako nung tumunog yung doorbell at pagbukas ko andun na yung Bens.

"Happy birthday Patty!"sabi nila tapos bumeso lang sila sa 'kin.

"Uy thank you. Pasok kayo."sabi ko sa kanila tapos inabot nila yung regalo nila sa 'kin.

"Wow may pa-gift. Pasok."sabi ko ulit. Inasikaso ko muna sila bago pa dumating yung ibang bisita. Pinakuha ko lang sila ng pagkain tapos sinamahan ko sila sa mesa.

"Sayang 'no? Wala si Agnes. Sana makapagjam tayo ngayon."sabi ni Keifer.

"Huy wag niyong hanapin ang wala. Pati busy yun ngayon."sabi ko sa kanila.

"Patricia Mae!"

"Makasigaw ka naman wagas. Bakit?"

"Si Wifey!"sabi ni Jam kaya bigla akong napalingon sa pinto.

"Ayun, wag daw hanapin ang wala pero humopia si tanga."sabi ni Jam. Binatukan ko siya.

"Pagbibigyan kita kasi birthday ko ah. Pero lagot ka sa 'kin bukas."

Pero pagkasabi nun ni Jam, bigla na lang tumunog yung doorbell kaya medyo nagulat pa ako. Si Agnes nga kaya yan? Pero imposible kasi ang layo ng Sagada.

"Na-summon ko nanaman ba si Agnes?"sabi ni Jam.
Mukhang nagulat din siya sa doorbell. I just shrugged.

Pero hindi ko alam, somehow some part of me wishes na siya nga yung nagdo-doorbell pero somehow the rational person in me knows na imposible.

Pagbukas ko ng pinto...

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon