Part 76

342 5 0
                                    

Umuwi na rin kami nung hapon after namin magmeeting para sa mga susunod na plano namin para sa banda. We've been performing some bar gigs after work for a few nights already at sumabay pa yun sa pagkabusy sa office kaya halos di na kami magkaintindihan kung anong uunahin. Understanding naman yung band but syempre nakakahiya rin minsan tumanggi, lalo na't kaming tatlo nila Jam yung mawawala if we decline.

"Bakit ba natin to pinush? Sino bang nakaisip na magbanda kasabay ng trabaho?"sabi ni Jam sabay inalis niya yung headphones niya. Natawa tuloy ako. Tiningnan ko yung relo ko and I noticed that it was already 1 am. Grabe. Inumaga nanaman kaming dalawa dito.

Ilang araw na kaming hindi sabay umuuwi ni Agnes dahil lagi siyang wala sa office para sa client meeting. She's too busy pero she makes sure na sabay kaming kakain ng breakfast everyday. And despite the fact na inaasar siyang pa-fall, naging mas caring si Agnes.

"Book na tayong Grab?"sabi ko kay Jam. Tumango siya.

"Saan ang meeting today ni Agnes?"sabi ni Jam. I shrugged.

"Alam ko nasa Bulacan siya today eh."

"Hindi pa sila tapos?"

"Tapos na siguro pero hindi kasi siya uuwi today. Dun siya sa kapatid niya sa Fairview uuwi."sagot ko.

"Ligpit lang ako. Andyan na ba yung Grab?"

"Wala nga akong mabook eh."sagot ko sa kanya habang nagliligpit din ako ng gamit. Nung natapos na si Jam mag-ayos, nag-aya na siya na bumaba na kami at mag-abang na lang ng taxi.

"Nagugutom ako. Pwede bang bumili muna tayong food?"sabi niya kaya dumaan kami dun sa convenience store sa lobby ng building namin. Grabe. I feel so tired. Pero strange enough ang daming tao pa rin.

"Bakit kasi wala kang sasakyan?"sabi ni Jam sa 'kin habang nakapila kaming dalawa.

"Nawala sa isip ko na pupunta si Agnes sa Bulacan, eh hinatid niya lang ako."sagot ko. At medyo nagulat pa ako nung nagring yung phone ko.

"Speaking of the devil."sabi ko sabay sinagot ko yung tawag. "Hello?"

'Hey. You didn't message me. Nakauwi ka na ba? '

"Hindi pa. We're still here sa office. Bumibili pa kami ng food ni Jam then we'll go home."

'But it's 1 am. Anong oras pa kayo makakauwi? '

"Yeah, but we're hungry. Kakain lang kami then we'll get a taxi."sagot ko sa kanya. "Anyway, I'm close to the counter na. Bye."sabi ko.

"O si Agnes?"tanong ni Jam.

"Yes. Checking lang kung nakauwi na ba ako." Nakita ko naman na ngumiti si Jam.

"Ano nanaman?"

"Wala, sweet niya eh."

"Pa-fall kamo."sabi ko sa kanya.

At dahil gutom na rin kami ni Jam, nagstay na rin kami dun at kumain. This week, really was super tiring. Halos patong-patong yung mga commitment namin sa clients and sa band and I am exhausted. Nagkwentuhan lang din kami ni Jam and nagdiscuss kami para dun sa iba pang kanta na kailangan niyang i-mix.

"Kumusta naman pala kayo ni Agnes?"sabi ni Jam. At halos pagkasabi niya nun, nakita ko na tumatawag nanaman sa 'kin si Agnes. Grabe, hindi pa ba siya matutulog eh 1:30 na halos? Pinatay ko lang yung call.

"Shh."sabi ko kay Jam.

"Bakit?"

"Wala para kasing kapag nababanggit pangalan niya, nasu-summon siya eh." Natawa si Jam.

"Bakit hindi mo sinagot?"

"Eh malamang hinahanap niya lang ako. Text ko na lang siya once nasa condo na ako."sabi ko kay Jam.

"Paano? Tara na?"sabi ni Jam. Tumango ako. Habang naglalakad kami palabas ng building, narinig ko na nag-ring ulit yung cellphone ko. Mukhang hindi talaga ako titigilan ni Agnes ngayong gabi.

"Hello?"

'Nasaan ka na? '

"Andito pa rin sa office."sabi ko sa kanya. "Aji, go to sleep na. I'll message you na lang once I'm home."

'Antayin na kita.'

"Aji, don't wait for me. Maaga ka pa rin bukas. I can manage."sabi ko sa kanya. Nauna na si Jam na lumabas sa 'kin dun sa building at huminto siya dun sa may hagdan para antayin ako.

'Basta I will wait for you. I need to make sure that you're safe.'

"Ang kulit mo talaga. Sabi ko naman sa'yo, don't wait for--"

"Late na. Hatid na kita."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon