Part 9

377 10 0
                                        

"Wag mo naman masyadong ipahalatang kinilig ka sa pagkakangiti ko."

NAKAKAINIS! Hindi ko alam kung sa kakapalan ba ng mukha niya ako naiinis o sa sarili ko dahil natitigan ko siya.

"Feeler ka ah."sagot ko sa kanya. Hindi ko na alam kung ano pang dapat kong sabihin eh. "Para saan yan?"sabi ko sa kanya tapos tinuro ko yung kape na inaabot niya sa 'kin.

"Pwede naman tayong maging friends di ba?"sabi niya sa 'kin. I smiled. Wala naman nga sigurong problema na maging friends kami. After all, siya yung magiging partner ko sa lahat ng projects dito sa office. Kinuha ko na yung kape galing sa kanya.

"Thank you."

"Ayan. Ganyan. Pwede ka naman pala magsalita ng mahinahon eh."sabi niya tapos ngumiti nanaman siya. Hay nako Reoma, pwede bang wag ka na ngumiti?

"Che. Bumalik ka na nga dun."pabiro kong sabi sa kanya.

"Okay wifey."

"Hoy. Don't call me that."sagot ko sa kanya. Okay na eh. Pero eto nanaman siya.

"Bakit? Totoo naman ah. Ikakasal ka naman na sa 'kin soon di ba?"sabi niya. Pang-asar talaga 'to eh.

"Akala ko ba hindi tayo magpapakasal?"paalala ko sa kanya.

"Yeah I know, but none of them knows that. Kaya as of today, you're still my wife."

"Ugh. Ang annoying mo! Umalis ka na nga! Dun ka na!"sabi ko sa kanya.

"Enjoy your coffee wifey."sabi niya sabay kumindat siya.

Gahd Reoma.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon