Bago pa ako makapagreact sa sinabi ni Agnes she was already throwing her head back laughing. Ang kulit talaga ng tawa nito ni Agnes kaya hindi ko na rin naiwasang mahawa sa pagtawa niya.
"Ako nanaman trip mo ah."sabi ko sa kanya.
"Joke lang wifey. But this, this feels nice."sabi niya. "Let's do this more often."
"Alin? Magkape?"
"No. Holding hands."sabi niya sabay tinaas niya yung kamay naming dalawa.
Bigla akong namula. I guess dahil kanina pa kami magkahawak, hindi ko na namalayan na magkahawak nanaman kami. I can't even remember kung paano kami nagkahawak ulit since tumayo siya para kumuha ng tubig.
"Does this make you uncomfortable?"tanong niya. Umiling ako.
Ayokong aminin sa kanya na it does actually feel nice. Since sobrang ginawin ako, her warm skin felt really nice against my ice cold hands. Dapat talaga nag-hot na lang ako instead of cold brew.
"Okay, next time, I'll ask for consent."sabi niya.
"Wow. So tingin mo may next time?"
"Bakit wala na ba?"sabi niya then she pouted. I realized she looks cute when she makes that face.
"Let's see."
"Ito na ba yung trial period ko wifey?" Natawa na lang ako.
"Gagu. Hindi ah."
"Grabe so friends palang ganito na, paano na lang kung girlfriend pa kita."sabi niya. Tiningnan ko siya ng masama. At natawa lang siya. Then again, di ko rin alam bakit nga ba ako pumayag na magkaholding hands kami. Lalo ko lang ata ginulo lahat.
"Akin na nga ulit kamay ko."
"Ayaw."sabi niya. "This is mine now."
"Mukha mo."sabi ko sa kanya. Pero binitawan din naman niya. I suddenly feel na parang may kulang. I just held on to my coffee with both hands to compensate.
"Aji."
"Hm?"
"Hindi mo ba naisip to fix things between you and Raisa?"
"Naisip. Naiisip pa rin. But I don't want to jump now and regret it again later on. Baka dead stars lang 'to."
"Mahal mo pa ba si Raisa?"tanong ko sa kanya. Humigop si Agnes nung kape niya and I guess pinag-isipan niya rin talaga kung anong isasagot niya.
"Hindi naman nawawala yun di ba? I mean we don't really unlove a person do we? Siguro nag-iiba lang ng degree but you would always love them. Sabi ko naman sa'yo there's.."
"Many forms and kinds of love."dagdag ko. Napangiti siya.
"Alam mo, I think sayang yung sa inyong dalawa. Maybe you should give it another chance. Maybe you just need to talk things through again."sabi ko sa kanya.
Ramdam ko naman na hindi pa naman talaga siya over sa ex niya. Oo, inaasar niya ako palagi at nilalandi siguro, but I can tell from her expression na when Raisa's name come up, affected pa rin siya. I don't want her having any regrets in the end. And maybe, if we are not to get married, then at least Agnes deserves to be happy.
After namin magkape, naglakad na rin kaming dalawa ni Agnes pabalik ng condo. Habang naglalakad kami nagulat ako na nawala siya sa tabi ko at paglingon ko, nakita ko na may kinakausap siya dun sa may bangketa. Hindi ko naman mamukhaan kasi madilim na pero nakita ko na inabot ni Agnes yung tinake-out naming pagkain sa kanya. I smiled.
Agnes has so many layers to her that you're not even sure what version of her you're gonna get. I like how Agnes can be unpredictable at times and how oftentimes I would be surprised by her. I guess, I just really haven't given her a proper look.
Lumapit ulit sa 'kin si Agnes at napansin niya yatang nakangiti lang ako sa kanya.
"What?"tanong niya. Umiling lang ako.
"Wala." Ngumiti lang din siya sa 'kin at naglakad na kami pabalik ng condo.
Papasok na sana ako sa kwarto nung narealize ko na magkahawak pa pala kami. Narealize ko lang nung bigla akong nahila pabalik.
"Ay sorry."sabi ni Agnes tapos bumitaw na rin siya. Feeling ko namumula ako. Ang init ng mga pisngi ko. I just smiled at her at naglakad na ako papunta sa kwarto.
"Aji."
"Hm?"
"Thank you for tonight."