Part 24

301 9 0
                                    

"Uy wala si Agnes?"sabi ni Jam sa 'kin pagdating ko sa office.

"Ikaw ah. Hinahanap mo si Agnes ah. Miss mo ba?"pang-aasar ko sa kanya.

"Gaganyan-ganyan ka tapos sa dulo-dulo magseselos ka. Aba Patricia Mae."sabi ni Jam.

"Tse. Pero wala siya eh. Nagpaalam eh, pupunta daw siya sa kapatid niya sa Fairview nagpapatulong daw with something kaya ayun, di siya papasok today."sabi ko.

"Oh okay. Anyway, ready ka na for the project?"

"Yeah. Kailangan na lang kita magrecord today."

"Oh okay, sure sige. I'll record today. No problem. Wait lang, sabi mo wala si Agnes di ba?"

"Oo wala siya."

"Ha! Pwede ako dito sa pwesto niya."sabi ni Jam.

"Alam mo di ko gets bakit kayo nag-aagawan dyan sa seat na yan. Seryoso pa kayong dalawa."

"Ewan ko ba dyan kay Reoma, maganda daw kasi yung view dito. Wala namang bintana. Baliktad talaga utak nun eh."sabi ni Jam.

"Alam mo naman si Agnes."

"Sabagay. Agnes being Agnes."

"Agnes being Agnes."ulit ko in agreement.

"Anyway, sige. Kunin ko lang gamit ko."sabi ni Jam.

"Ay sige settle ka muna dyan. May kukunin lang din ako sa loob ng studio. Wait lang ah."sabi ko kay Jam tapos umalis na ako para pumasok dun sa recording studio.

Pagpasok ko sa studio, biglang nagring yung phone ko and nakita ko na si Paolo pala yung tumatawag.

"Hello Pat. Ako to si Paolo. Tanda mo pa ba ako?"

"Uy kumusta. Napakinggan ko yung song niyo ni Miguel, sumisikat na kayong dalawa ah."

"Uy salamat salamat. Speaking of, may EP launch kasi sana kaming dalawa and tumawag ako dahil dun."

"Nice. Kailangan niyo ba magrecord? Dito na lang sa studio."

"Actually, meron na pero I actually need you for something else."

"Ano yun?"

"I'm actually looking for a pianist, pwede ka bang mag-session for us?"

"Marunong ka naman mag-piano ah."

"Yeah, but gusto ko kasi may ibang magpiano. Free ka ba sa Friday?"

"Uh... sige I think pwede naman ako magleave."sabi ko.

"Oo kasi Sunday night yung event eh. G ka ba?"

"Sige I'm g."

"Yown! Asahan ko yan ah."sabi niya.

Lumabas na ako ng studio at binalikan ko na rin si Jam. Mukhang may kausap din siya sa phone kaya inantay ko lang na ibaba niya.

"Jam, kaya ba natin tapusin pala to by Thursday?"

"I think so. Actually magsasabi nga rin ako sa'yo kasi aalis sana ako for Friday."

"Ah may lakad ka rin?"

"Oo tumawag kasi yung schoolmate ko, naghahanap daw kasi sila ng pwedeng mag-session for a drummer, eh sayang naman, namiss ko na rin tumugtog."

"Wow. Uy sakto alam mo ba yung friend ko tumawag din siya naghahanap naman siya ng pianist. Eh nahiya naman ako tumanggi kaya I agreed to do the session. May EP launch daw kasi sila."

"Yung sa kin din EP launch din siya eh so sabi ko why not."

"Saglit, by any chance hindi kaya iisang gig lang to?"

"Sino ba tumawag sayo?"

"Si Paolo Guico."

"Talaga? Si Miguel Guico daw nagpapahanap ng drummer."

"Ayan pala eh! Sabay na tayo."sabi ko kay Jam.

"Sabay ako sayo!"

"Fine. Daanan kita. Basta yung drum track and project tapos na. Or I can ask Agnes pala to continue the project by Friday. Siguro naman nakabalik na siya."

"Cool sige. Wait lang pala ha. May tatapusin lang ako then papakinggan ko na yung track."

"O sige pero ito na yung track." sabi ko sabay inabot ko yung thumbdrive sa kanya and nagsuot na ng headset si Jam. Bumalik na rin ako sa pwesto ko after nung biglang inalis ni Jam yung headset niya.

"Ay shuta. Ang landi talaga ni Reoma!"

"O bakit?"sabi ko. "Nilalandi ka niya?"

"Gago hindi! Alam ko na kung bakit niya sinasabing maganda yung view dito."

"Bakit?"

"Kasi shuta ikaw ang kitang-kita niya dito. Pag-upo ko ikaw ang line of sight ko."

"Alam mo ikaw issue ka."

"Pat, wala ngang bintana dito! Landi ng jowa mo, gago."

"Hindi ko siya jowa."

"Eh ano? Jowang hilaw?"

"Magrecord ka na nga dun! Hindi ko nga siya jowa at mas lalong hindi ko siya bet, okay?"

"Nako Patricia Mae, sabi mo lang yan. Nawa'y mabusog ka once you start eating your words."

"Asa ka pa Jamantha. Hindi ko magugustuhan yun 'no."

"Too early to say that Pat. You'll never know."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon