Part 72

355 8 0
                                    

Namumula nanaman 'ata ako. Ano ba naman 'tong si Agnes. Nag-aasaran lang kami dito bakit siya seryoso?

"Ay. Wala na. Finish na."sabi ni Toni. "Sabi ko nga matutulog na kami. Babalik na kami sa kwarto. Goodnight na."dagdag ni Toni. Kaya hinawakan ko si Jam para hindi sila makaalis.

"Hoy. Dito lang kayo."sabi ko.

"Alam niyo, uminom na lang tayo."sabi ni Jam.

"Gagi patay tayo kela Migs pag uminom tayo today."

"Beer lang Patricia, pampaantok lang hindi walwal."sabi ni Jam. "Merong convenience store dun sa corner."sabi niya tapos inaya niya si Agnes na samahan siyang kumuha ng beer. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa photography ni Toni. Naisip ko nanaman tuloy yung film kasi pinakita ni Toni sa 'kin yung mga sample shots niya.

Pagbalik ni Jam at ni Agnes, may dala rin silang pagkain bukod sa beer. Inayos lang namin ni Toni yung mesa at pinatong nila dun.

"So, what's the deal between the two of you?"sabi ni Toni habang umiinom siya.

"Ha? Anong what's the deal?"tanong ko.

"Anong meron sa inyong dalawa? Kasi, sorry but I don't buy the whole bestfriend thing."sabi niya sabay sumubo siya.

"Grabe ka naman Toni, ano naman, uhm we're actually friends."sagot ko sabay uminom din ako.

"Ngayon pa ba tayo magbobolahan? Alam niyo kung sino yung friends? Kami ni Jam, kami yung friends. Tayong apat dito, we're friends. That is what you call friends."sabi niya tapos tinapos niya lang yung kinakain niya then she continued. "Pero yung sa inyong dalawa, that's not friends."

"Okay fine. We're getting married."sabi ni Agnes then she drank her beer.

"What?!"sabi ni Toni.

"Wait, ikakasal kayo, nasaan yung singsing? Weakshit ka naman Reoma, ano ba yan? Di ka man lang nagpropose."

"Wait, wait. I didn't propose..."sabi ni Agnes then she took a sip. "...kasi I don't like Pat."dagdag niya tapos nilapag niya na yung can.

"Wow ah."sagot ko sa kanya.

"So ikaw nagpropose Pat?"sabi ni Toni.

"Gago hindi. Ito?"sabi ko sabay tinuro ko si Agnes. "Dito ako magpopropose, kay Agnes? Kita niyo ba yan?"

"Grabe ka sa 'kin, akala mo naman lugi ka."

"Wait, so seryoso, so kung walang nagpropose, how are you getting married?"

"Wait, also, we're not technically together. That's another thing."sabi ni Agnes.

"Then why are you two getting married?"ulit ni Toni.

"We are not."sagot ko.

"Look, okay, so our parents kinda set us up. And now we're here."sabi ni Agnes.

"Wow. Bakit naisipan ng parents niyong ipakasal kayo?"

"Well apparently my parents are worried I won't find a decent partner in the future and they thought that the best thing to do would be to have me married to someone they know."sabi ko then uminom din ako.

"Ha. Wow. Just wow."sabi ni Toni habang natatawa siya.

"Wait, so if you're not together, how does this work then? Magpapakasal lang kayo? Kelan ang kasal?"

"Less than a year. We basically begged them to move it and now we're finding ways to stop it. But right now, ayun, ito kami. We're just getting by."sabi ko tapos sumubo din ako.

"Funny."sabi ni Toni.

"You know what makes it more complicated than that Toni? Itong si Patricia Mae,"sabi ni Jam habang tinuturo niya ako. "may ibang gusto."dagdag niya at sumubo din siya ng pagkain.

"Oof. Oh no. Eh bakit hindi na lang siya yung prinopose mong pakasalan? I mean if your parents just want you to find a partner then,"sabi ni Toni sabay sumubo din siya. "bakit hindi na lang siya sinuggest mo?" Agnes suddenly chuckled.

"Okay, to be fair..."sabi ni Agnes then she paused to chew her food. "...kasi hindi rin siya gusto."dagdag niya then she chuckled again. Kinurot ko nga siya.

"Ow!"sigaw ni Agnes.

"Grabe Pat ano ba yan!"sabi ni Toni.

"Pat likes this girl, for so many years already..."sabi ni Agnes tapos uminom siya nung beer para tulungan siyang lumunok.

"...and yet hindi niya sinasabi sa taong gusto niya."dagdag niya sabay nilapag niya yung beer niya.

"Bakit? Bakit hindi ka umamin?"

"I... I just don't have the opportunity."sagot ko. Nakita ko namang umiling si Jam at si Agnes habang umiinom.

"Strange, Patricia. Pero if it has taken it this long, then baka may someone na yun."sabi ni Toni.

"Kabahan kayo, because this someone, would most likely be me."sagot ko sabay uminom din ako ng beer.

"Wow confident."sagot ni Jam.

"No, I'm serious. I mean lately nagpaparamdam siya sa 'kin eh. So ewan ko, di ko alam, I'm confused."

"Pat, nagpaparamdam ba talaga sa'yo si Charlie or nag-iimagine ka? Cause look at Agnes, mas sweet pa sa'yo si Agnes kesa sa kanya eh."sabi ni Jam sabay tumawa siya.

"Alam mo ikaw, babatuhin na kita eh. Kontrabida ka rin eh."sabi ko sa kanya.

"Pat, we're just saying you deserve better. You deserve someone who would actually reciprocate your love." sabi ni Toni.

"At sino yun? Si Agnes?"sabi ko sa kanila. "Ikaw?"sabi ko kay Agnes habang iniinom niya yung beer niya. Then she set it down then she replied.

"Why not?"

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon