Part 125

410 7 1
                                    

"Oof. Grabe yung bakod gaming ng isa dyan. Pero mukhang persistent yung isa. Akyat bahay ka gurl?"sabi ni Jam habang tumatawa siya. Natawa na lang din buong banda. Natatawa ako kasi nagpupunas pa rin siya dahil sa naibuga nyang tubig.

"All hail, Great wall of Patricia."sabi ni Andrew.

"Aba ginoong Reoma, bukod kang pinagpala talaga."sabi ni Toni.

"How to be you po Ms. Reoma? Pashare naman ng secret kung paano mapagsabay ang isang Pat Lasaten at Raisa Racelis."sabi ni Poch.

"Excuse me. Hindi ko sila pinagsasabay."sabi ni Agnes. "At hindi niyo ba nakita gaano kalakas si wifey? Di ba kayo natakot?"sabi niya. Hinampas ko siya.

"Bakit kasi para kang nakakita ng multo nung nakita mo si Raisa? Di ka pa over 'no?"sabi ko sa kanya.

"Matagal na akong over sa kanya."

"Matagal na, eh samantalang you were supposed to get back with her last time."

"But I didn't di ba?"

"Eh bakit nga ba hindi? And you never told me why you broke up. Wait, sino ba nakipagbreak?"

"Siya."

"Ay. Nauntog. Nauntog naman pala."

"I guess you can say that. Siguro nga. Nauntog siya." Natatawa nyang sagot.

"Anyway, I have decided not to talk to her after that."

"Hindi mo siya hinabol? Akala ko ba mahal mo siya eh bakit di mo siya hinabol?"

"Hindi naman porket mahal mo pa, dapat mo siyang habulin. And haven't you seen the news? She's happy so I don't understand all these. Actually, hindi ko na rin siya hinabol kasi..."

"Kasi ayaw mo na rin?"

"Not really. Maraming complications yung relationship namin ni Raisa eh. And I think it was enough to call it off."

"Hindi ka ba nanghinayang?"

"Nanghinayang. But ako yung iniwan wifey, anong karapatan kong manghinayang?"she scoffed.

"So bakit di mo nga siya hinabol?"

"It's not worth it anymore."

"Grabe. Pero di ka man lang humingi ng closure from her?"

"Alam mo Pat, minsan having no closure is closure. I think, not getting the closure is the best closure I can ever have."

"Alam mo yung sa 'min kasi ni Raisa, the relationship was a ticking time bomb. Yes, we've had it good, we were happy pero it was bound to end anyway. It was bound to just collapse on both of us."dagdag niya.

"Bakit?"

"Basta. Maraming kaguluhan."

"Malay mo it's now worth it again? Sabi nga nila love is sweeter the second time around."

"Love is stupid the second time around."

"Alam mo ikaw, napaka-nega mo. Take a look at that. Mahal ka pa niya. Ang tanong lang, ikaw ba mahal mo pa siya?"

"I told you, hindi naman nawawala yun di ba? It just varies kung gaano kalalim yung pagmamahal na yun. Why are you asking me these things? Pinapamigay mo na ba ako wifey? Akala ko ba sabi mo wag kong babalikan kung di naman ako sure na mahal ko?"

"Hindi kita pinapamigay. But you wanted to talk to her din naman ah. So I'm pretty sure you want to still fix things between both of you. Or maybe it's time to close things properly."

"But that was the mistake. I realized I don't want to fix things between us anymore. I realized I shouldn't have even thought of that. Anyway, so we never talked that night. Pero she messaged me a few days back. She wanted to get back together recently and I said no. She said she realized things when she was in the hospital ganyan. Yun yung dahilan kung bakit I was awkward around her. That talk was not exactly pleasant."sagot ni Agnes.

"Ganda mo eh no? Hinahabol ka pa rin talaga eh 'no?"pang-aasar ko sa kanya.

"Antayin mong mahalin kita. Baka kahit ikaw maghabol ka."sabi niya sabay kumindat pa siya. Ang kapal talaga ng mukha nito eh.

"Excuse me, hindi ako para maghabol sa'yo."

"Don't be too sure wifey. Pero seriously Pat. Thank you. Sinabi ko kay Raisa na tigilan niya na ako kasi sabi ko sa kanya na may iba na ako but she wouldn't believe me."

"Don't worry. I gotchu."sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya tapos nagtuloy na siya sa paglalaro.

Wag kang mag-alala Agnes. Babakuran kita hanggang tumigil na yang ex mo.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon