Nagulat ako nung biglang naging seryoso yung mukha ni Agnes at bigla niya akong tiningnan. Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya?
"Mukha mo."sagot ko. "Tigilan mo nga ako."dagdag ko.
"Yan. Dyan ka magaling eh. Kapag sinasabi ko sa'yong gusto kita, iniiwasan mo."sagot niya.
"Bakit gusto mo na ba talaga ako?"tanong ko sa kanya.
"Kung sasabihin ko bang oo, paniniwalaan mo ako?"sabi niya.
"Hindi."
"Eh bakit tinatanong mo pa ako?"tanong niya. Seryoso na talaga yung mukha ni Agnes. At hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan sa itsura niya.
"Hoy gago Agnes, seryoso nga?"sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung totoo kasi yung sinasabi niya o hindi.
"Syempre hindi. Hopia ka naman dyan."sabi niya. Binato ko siya ng basahan. Bigla na lang siyang tumawa.
"Pwede na ba akong mag-artista?"tanong niya.
"Ang pangit mo umarte. Di ka papasa."sagot ko.
"Sus. Kunyari ka pa. Halata namang naniwala ka."
"Asa."sagot ko sa kanya tapos nagtuloy lang si Agnes sa paghuhugas ng plato. Hindi ko pala nasabi sa kanya na hindi ako papasok bukas para sa gig at siya ang maiiwan para gawin yung project.
"Ay Agnes, ano... kasi... may sasabihin kasi ako."
"Oo na, oo na. Sige na. I love you too."
"Ano?!" Naramdaman ko na uminit yung pisngi ko sa sinabi ni Agnes.
"Bakit?"
"Anong I love you too?!"
"Alam ko namang I love you sasabihin mo sa 'kin eh. Nahiya ka pa."
"Excuse me 'no, hindi kita sasabihan ng I love you kasi hindi naman kita mahal. Baka ikaw! Kasi may pag-I love you too ka dyan!"
"Ayoko lang maging rude. Pag sinabihan kang I love you ng isang tao, sabihan mo rin siya ng I love you too."
"Eh paano kung hindi mo naman talaga siya mahal? Bakit mo siya sasabihan ng I love you too? Pa-fall ka rin eh 'no?"
"Bakit? Wala namang masamang magsabi kang mahal mo yung tao. There's all kinds and so many forms of love."sagot niya.
"Ah there's many forms of love ah. So anong form of love yung meron ka para sa 'kin?"sabi ko sa kanya.
I tried to stiffle a laugh kasi bigla siyang namula. Nakita ko na nataranta siya and she wasn't ready for the question. Ano ka ngayon Maristella?
"Alam mo... ano bang sasabihin mo?"sagot niya.
"Tiklop ka naman pala eh. Magsisimula ka ng ganyan, hindi mo naman pala mapangatawanan."sabi ko sa kanya. Tapos nagulat ako nung nilapit niya yung mukha niya sa 'kin.
"Aba Pat, baka pag pinangatawanan kita, hindi mo kayanin."
