Pumunta na kami sa restaurant na sinasabi ni Mama pero wala pa sila kaya umikot muna kami ni Agnes. Medyo nagulat pa nga ako kasi may mga lumalapit sa 'min para magpapicture. I wonder kung anong iniisip ng fans nila ni Raisa ngayon na hiwalay na sila. Lalo na ngayon pag nalaman nilang ikakasal na kaming dalawa. Ay teka. Hindi nga pala kami ikakasal.
Pumasok muna kami sa bookstore. Akala ko hindi papayag si Agnes pero eventually sumama naman siya. Habang nasa bookstore kami, tahimik lang si Agnes na nagtitingin ng mga libro. Seryoso naman nito.
"Stop staring wifey. Alam ko namang maganda ako, pero baka matunaw ako nyan."
Wow. Ibang level talaga ang kakapalan ng mukha ng isang 'to. Umalis na rin si Agnes at nagtuloy lang sa pagtingin ng mga libro.
"Pat?"
"Uy Charlie!"sabi ko paglingon ko. "Anong ginagawa mo dito?"
"Wala naman. May hinahanap lang ako."sabi niya sabay ngumiti siya. Bakit ba ang ganda niya?
"Ano naman yun?"tanong ko sa kanya. Pag-ibig ba? Andito na ako. Char not char.
"Ah... meron kasi akong hinahanap na libro. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
"Ah wala. Nag-iikot lang kasama si ano... siya."sabi ko.
"Agnes."sabi ni Agnes sabay nakipagkamay siya.
"Hi. Charlie. I didn't realize na magkasama pala kayo."
"Ikaw? Sinong kasama mo?"tanong ni Agnes.
"Ah wala. Ako lang. Wala naman akong pwedeng isama eh."sagot ni Charlie.
"Talaga? Kahit girlfriend? Nililigawan? Nagugustuhan? Friend?"tanong ni Agnes. I glared at her.
"Wala. Nagugustuhan lang siguro pero wala pa akong girlfriend."sabi ni Charlie. Luh. Sino? I need answers.
"Sino naman?"tanong ko.
"Ah... some girl from the office."sabi niya sa 'kin tapos tumingin siya. Feeling ko namula ako. Ako ba tinitingnan niya? Tinitingnan niya nga ba ako?
"...kaso mukhang may bakod na."dagdag niya.
"WALA!" Sumigaw daw? Mag-eksena ba dito? Bongga ko talaga!
"... I mean, wala naman siguro."sabi ko.
"Sana nga. Anyway, mauuna na ako. Ayoko na rin makaistorbo sa inyo. Sige."sabi niya tapos ngumiti lang siya at umalis na rin. Ako kaya yung tinutukoy niya?
"Maka-sigaw ka wagas ah. Feeler ka lang 'te?"sabi ni Agnes.
"Hoy hindi kaya! Nakatingin siya sa 'kin! Hindi mo ba nakita?"
"Malamang tingnan ka niya, kausap ka di ba? Ano, adik ka?"
Kahit kelan talaga 'to si Agnes panira ng moment. Nakakainis!