Part 92

402 6 0
                                    

'Wifey? Are you okay? Nananaginip ka nanaman ba ulit? You're not talking.' sabi ni Agnes.

"Yes. I'm okay. Sorry I had to call this late."sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, but somehow I just wanted to talk to her. I know that it would not help, pero talking to Agnes somehow makes me feel better.

'Okay lang naman. Let me call you.' sabi ni Agnes tapos binaba niya yung call. Ang weird naman niya, kausap ko na nga siya eh. Pero nagulat ako kasi tumatawag siya by video call.

"Bakit mo pa nilipat sa video?"tanong ko sa kanya. "Wala na akong kilay."sagot ko. Natawa siya.

'Don't worry, that's the least of your problems. Bakit ka nandyan sa sofa? '

"Nanunuod kasi ako then I fell asleep. Ikaw? Bakit gising ka pa? Nagising ba kita?"

'Hindi ah. Special ka? Bakit ko naman sasagutin tawag mo ng madaling araw? Nagkataon lang na gising pa ako.' I rolled my eyes.

"Hindi ka makatulog? May problema ba?"

'No wala naman. Namamahay lang siguro. O baka iniisip mo kasi ako.'

"Ang kapal ng mukha mo. Hindi kita iniisip 'no."

'And yet ako tinawagan mo.' sabi niya tapos ngiting-ngiti siya. 

"Ewan ko sa'yo. Ikaw lang kasi yung last recent call ko."

'Sus. Kunyari ka pa. Sabihin mo miss mo na 'ko.'

"Mukha mo."

'Bakit? Anong masama kung miss mo na ako? Ako nga miss na kita eh.'

"Pwede ba? Late na."sabi ko sa kanya tapos bigla siyang natawa. Nakita ko na humikab siya at kinusot yung mata niya.

"Sleep ka na. Sorry I had to wake you up. Anong oras call time niyo tomorrow?"

'5 am. Gusto kasi nila abutan sunrise.'

"Hay nako. Tapos hindi ka pa natutulog eh 2 am na. Matulog ka na. We can talk in the morning."

'Makakatulog lang ako pag tulog ka na.'

"Bakit hawak ko ba mata mo?"

'Hindi, pero kasi kung iisipin mo nanaman ako, di na ako makakatulog. Just set your phone beside you. Samahan kita until you fall asleep.'

"Bahala ka."sabi ko sa kanya but I set down my phone and umayos na rin ng higa.

"Aji."sabi ko tapos kinuha ko ulit yung phone ko.

'Yes? '

"Mag-ingat ka dyan, okay?" Nakita ko na ngumiti siya.

Agnes looked tired and sleepy pero kahit ganon, sinagot niya pa rin yung tawag ko. Hindi ko talaga maexplain kung anong meron sa smile ni Agnes that just makes you feel warm, but somehow, seeing it tonight, felt good.

'Goodnight wifey.'

"Good morning."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon