Napalingon ako at nakita ko si Charlie sa likod ko.
"Uy Charlie, sorry dun sa kanina ah. Sira ulo lang talaga mga kaibigan ko."
"Ano ka ba, okay lang naman yun. And I don't mind."sabi niya tapos ngumiti siya. "So bakit ka malungkot?"
"Hindi ako malungkot. Masaya nga ako ngayon kasi halos lahat ng friends ko andito. Andito ka rin."sabi ko sa kanya. Ngumiti siya.
"Bakit hindi ka sumama dun sa table nila madam?"
"Nahihiya kasi ako and ikaw naman talaga yung pinunta ko dito, hindi naman sila."sabi niya. "Ay by the way, happy birthday."dagdag niya tapos may inabot siya sa 'king box.
"Uy thank you. Nag-abala ka pa."sabi ko sa kanya. Nung binuksan ko, nakita ko na bracelet pala yung laman.
"Tricia."sabi ni Mama kaya napalingon ako. "Patulong nga muna sandali dito."dagdag niya kaya lumapit ako at tinulungan siya dun sa mga nilalabas niya.
After nun, nagstay muna ako dun sa may kusina. I held my phone pero mukhang hindi ko na talaga makakausap si Agnes. I guess mamayang gabi na lang talaga kaya chinarge ko na lang ulit yung phone ko. But I don't even know why I wanted to talk to her today. Ewan ko, nasanay na 'ata ako na I talk to her midday, and today of all days ko pa namiss yung call niya.
"O Patty, bakit ka andyan?"sabi ni Pao.
"Ah wala. Uy, kumuha pa kayong pagkain ah. Wag kayong mahiya."sabi ko sa kanya.
"Ah sige. Thank you. So..."
"So?"
"Bakit ka malungkot?" Ganon ba ako kalungkot? Pangatlo na siyang nagsabi sa 'kin nyan.
"Huy hindi ako malungkot. Masaya nga ako kasi andito kayong lahat. Bihira yan. At least lahat ng taong mahalaga sa 'kin andito."
"Except kay Agnes."sabi ni Pao. I just smiled at him.
"Okay lang yun Pao. Busy rin kasi siya. And I understand naman."sabi ko sa kanya tapos inakbayan lang ako ni Pao to give me a half hug. Then sinamahan ko siya pabalik dun sa table nila. Nag-aasaran kami nila Andrew nung biglang napasigaw si Nicole
"Baks!"
"What?"
"Si Agnes!"
Hindi ko alam kung bakit pero napalingon nanaman ako sa pinto.
"Bakla ka ng taon! Anong hinahanap mo dyan? Tumatawag si Agnes."sabi niya.
"Ah wala, akala ko kasi. Nevermind!" Sabi ko tapos nagmamadali kong sinagot yung call niya.
"Hello?"
'Happy birthday wifey.' sabi niya. I smiled.
"How did you know?"
'Anong klaseng wifey naman ako kung hindi ko man lang alam kung kelan ang birthday mo? '
"Well then. Thank you."
'Yun lang. Bye.'
"Uh.. Agnes."
'Yes? '
"Ingat ka sa pagbalik mo ng hotel."
'Okay. Enjoy your birthday. Sorry, but I need to go.'sabi niya. 'Tumakas lang kasi ako.'
"No worries. Sige. Mamaya na lang."
'Wifey.'
"Hm?"
'I miss you.'
To be honest, there's something unsettling today and I do feel na hindi ganon ka happy yung birthday ko. Or maybe dahil sa age na rin and I do feel that birthdays are overrated sometimes and it is not worth celebrating anymore.
Pero who knew that a 16-second call would be enough to turn this day around. I smiled to myself.
"I miss you too."