Ilang araw na rin kaming magkasama ni Agnes. Every morning, pupuntahan niya kami sa hotel para sabay-sabay na kaming magsisimba and kakain ng breakfast. Nung una, siya lang, but later on kasama niya na rin si Angel at si Clarisse.
After ng mass, dederecho kami sa bahay nila Agnes para dun kumain. Mukhang natutuwa naman si Tita Cy na nandun kami kasi palaging bumebenta sa kanya yung mga jokes ni Nicole. Slowly, nakikilala ko na rin yung mga kapatid ni Agnes and somehow nagiging comfortable na rin akong kasama sila. Ang kukulit din nila kaya hindi naman sila mahirap pakisamahan.
Kahit naman yung mga kaibigan ni Agnes sobrang okay din kasama. I realized na ilang araw na lang pala at magpa-Pasko na. That's when I realized na wala pala akong regalo kay Agnes at sa family niya. Kaya after nung stay namin sa bahay nila, inaya ko sila Nicole na pumunta sa mall para mamili ng regalo para sa kanila.
Pero somehow, kahit anong ikot namin, hindi ako makapili ng tamang regalo para kay Agnes. Nung una, naisip ko na bilhan siya ng shades, pero parang di naman niya masyadong magagamit. I tried looking for a shirt, pero di ko naman alam anong size niya. Alam kong same lang kami ng sukat, pero hindi ko alam kasi kung babagay sa kanya. Ang hirap pala ng ganito. Mug na lang kaya iregalo ko tutal mahilig naman siya magkape?
"Ano baks, may naisip ka na?"sabi ni Nicole.
"Baks wala nga. Di ko alam ano ireregalo ko kay Agnes. Siya na lang yung hindi ko maisipan ng kahit ano."sabi ko sa kanya.
"What if pag-uwi mo na lang siya bilhan?"
"Grabe tapos lahat sila bibilhan ko? Tapos si Agnes lang yung di ko bibigyan ng kahit ano."
"Eh baks, uuwi ka naman sa kanya. At uuwi naman kayo ng magkasama. Yung fam niya, ngayon lang. Gets na yan ni Agnes."
Nag-ikot pa rin kami nila Nicole pero wala talaga akong maisip. Paano na kaya 'to? Naisip ko na regaluhan na lang si Agnes ng acoustic bass guitar. Kahit maliit lang para may magagamit siya for our gigs. Kaso, sa Manila lang sila pwedeng magdeliver. Makakaantay naman siguro yun no?
Nung natapos kami mamili, bumalik na rin kami ng hotel nila Nicole para magbalot nung mga regalo kasi mamayang gabi susunduin kami ni Agnes para manuod nung gig ng mga kapatid niya. Hapon na rin nung natapos kaming magbalot. May 2 araw pa naman bago mag 24. Akala ko babalik na rin ng Manila sila Nicole bukas pero nagsabi sila na manunuod sila ng gig namin at sasabay na lang sa min bumalik. Hindi pa daw nila kasi kami napapanuod ng live.
Nung gabi na, sinundo na kami ni Agnes at nanuod kami ng gig ng mga kapatid niya. Hindi ko alam kung anong pinapakain ni Tita Cy sa mga anak niya pero magagaling din silang magsulat at tumugtog. I looked at Agnes and she looked very proud. Nung natapos silang tumugtog, lumapit din sila sa 'min.
"Congrats!"sabi ko sa kanila.
"Grabe ate Pat! Kinakabahan nga kami, hindi na ako nakapag-second voice."sabi ni Lia. I smiled at them. Agnes was just beaming with pride. Ang cute namang ate nito.
At dahil medyo late na rin natapos yung set, hinatid muna namin yung mga kapatid ni Agnes bago niya kami hinatid sa hotel. At dahil late na nga, nakatulog na sila Dawn sa kotse ni Agnes. Nagising lang sila nung nasa tapat na kami ng hotel.
"Well, good night Aji. Ingat ka. Okay ka lang ba magdrive?"tanong ko sa kanya. She nodded. Pababa na kami nung bigla niyang hinawakan yung braso ko.
"Wifey."
"Yes?"sabi ko tapos lumingon din siya kela Nicole sa likod kaya huminto rin sila sa pagbaba.
"Okay lang bang..."
"Okay lang bang ano?"
"Ano... uh... pwede bang ano..." I chuckled. Bakit ba kasi siya naghe-hesitate?
"Aji ano? Kaya ba today?" She smiled.
"Kiss ba? Sige na go na."sabi ni Dawn kaya tiningnan ko siya ng masama. Nakita ko naman na namula si Agnes.
"Hoy. Umayos ka ah."sabi ko sa kanya kasi mukhang pinag-isipan niya.
"Wala pa nga eh."sabi niya habang natatawa rin siya.
"Ano ba kasi yun?"tanong ko sa kanya.
"Pwede bang... ano... uh..."
"Aji."sabi ko sa kanya sabay hinawakan ko yung kamay niya para medyo kumalma siya. Bakit ba siya kabado? Pag hawak ko naramdaman kong ang lamig ng kamay niya.
"Ano ba yun?"tanong ko.
"Pwede ba kitang idate bukas?"