Part 25

371 6 0
                                        

Pag-uwi ko, nanuod lang akong movie at napansin ko na late na pero wala pa rin si Agnes. Hindi ko alam kung anong naging ending nung movie basta naalala ko lang naririnig ko yung boses ni Agnes.

"Wifey."

Tama ba ako ng naririnig? Si Agnes ba yung tumatawag sa 'kin? O sa movie ba yun?

"Wifey!"

Pagbukas ko ng mata ko, biglang bumungad sa 'kin yung mukha ni Agnes na nakatapat sa 'kin. Hala. Nakatulog na pala ako. Sa sobrang gulat ko, napa-upo ako agad.

"Kauuwi mo lang?"tanong ko sa kanya habang kinukusot ko yung mata ko.

"Yeah. Traffic eh. Bakit dito ka natutulog? Inaantay mo 'ko 'no wifey?"sabi niya tapos ngiting-ngiti siya.

"Mukha mo. Bakit naman kita aantayin?"

"Eh ano ngang ginagawa mo dyan sa sofa, bakit dyan ka natutulog?"

"Nanunuod kasi ako ng movie kanina, eh nakatulog ako. Yun lang. Issue ka. Anong oras na ba?" Tiningnan ni Agnes yung relo niya.

"2 am. You should get some sleep."sabi ni Agnes.

"Grabe 2 am na pala. Sige lilipat na ako sa kwarto. Take some rest na."sabi ko sa kanya at tumayo na rin ako. I looked at Agnes and mapungay na rin talaga mga mata niya. Napagod din siguro siya sa pagdrive niya. Nakita ko na nakangiti siya.

"What?"

"Wala. Yung tono kasi nung pagkakasabi mo sa 'kin na take some rest masyadong malambing. Nanibago lang ako. I'm not used to this version of you na mahinahon."sabi niya.

"Tsk. Akala mo lang yun! Sige na matulog ka na! Maaga pa tayo bukas."sabi ko tapos pumasok na ako sa kwarto.

Malambing nga ba yung pagkakasabi ko?

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon