Part 19

304 5 0
                                    

Dalawang araw na rin kaming magkasamang magtrabaho ni Agnes and in fairness naman, totoo nga yung sinasabi ni Dad na talented si Agnes. Yung mga portions nung project, maganda yung mga creative inputs niya pero hindi ko pa naco-consider lahat. Nagulat ako na marunong din pala siyang mag-piano at dahil sa magaling nga siya, palagi din kaming nag-aaway.

"Ano todo mo na ba yan?."sabi ni Agnes. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang umabot na sa sukdulan yung inis ko sa kanya.

"So anong sinasabi mo? Na pangit yung gawa ko?!"

"Hindi naman. Ang sinasabi ko lang you could be better."sagot niya.

"Alam mo you don't know how much work I've put into this. Lahat ng pang-aasar mo kaya ko tanggapin pero for you to call my work mediocre, you are below the belt! Sorry ah. Di ako kasing galing mo!"sabi ko sa kanya tapos lumabas na ako ng studio.

Namumula pa rin ata ako sa galit. Narinig kong tinawag niya ako pero hindi ko na siya pinansin. Nagmamadali na lang akong lumabas ng office namin at sumakay sa elevator. Ang kapal ng mukha niya sabihing hindi enough ang ginawa ko.

Habang nasa elevator ako, nagulat ako nung biglang sumakay ng elevator si Charlie.

"O Pat. Bakit nakakunot yang noo mo? Okay ka lang? You look angry."

"Just a bad day."

"Alam ko na kung anong makakatulong sa'yo. Bili tayong ice cream, libre kita."

"Hindi mo naman kailangang gawin yun. Kailangan ko lang talagang magpahangin."

"Eh di samahan kitang magpahangin at dahil sasamahan kitang magpahangin, samahan mo ako mag-ice cream. Game?"sabi niya tapos ngumiti siya.

Nung nakita kong ngumiti si Charlie, hindi ko alam kung paano pero parang lahat ng inis ko kay Agnes nawala. Parang all of a sudden, my mood felt lighter. Nagring yung phone ko at nung nakita kong si Agnes yung tumatawag, pinatay ko na yung cellphone ko. I have no time for you.

Bumili lang din kami ni Charlie ng ice cream tapos naglakad-lakad kami. Tahimik lang din siya at mukhang inaantay niya lang din na magsalita ako pero wala pa rin ako sa mood magkwento. Nung madilim na, pumunta na kami sa sakayan ni Charlie at umuwi na rin. Pagdating namin sa bahay, natanaw na naming dalawa si Agnes na nag-aantay sa labas.

"Mukhang marami kayong dapat pag-usapan. Mauna na ako Pat. See you bukas."sabi ni Charlie tapos umalis na rin siya. Dinaanan ko lang si Agnes at dumerecho na ako sa gate namin nung naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso.

"Pat sandali. I've been calling you kanina pa. I really got worried kung nasaan ka."

"Bitawan mo nga ako."sabi ko sa kanya at binitawan din naman ako ni Agnes.

"Pwede ba tayong mag-usap?"sabi niya.

"Wala tayong dapat pag-usapan."

"Pat naman. Please. Look, Pat, I'm sorry. I'm sorry if I've offended you. And I crossed the line. Sorry. Really."sabi niya.
I turned to look at her and I can tell from her face that she was sorry pero hindi yun enough.

"Hindi mo alam Agnes how hard it was for me to finally get over my insecurities at hindi isang statement lang galing sa'yo ang sisira nun."

"I know, I'm sorry. I've been harsh. I crossed the line. Sorry mali talaga ako, and I would not even dare sugarcoat what I did. Kaya ako nandito cause I want to apologize. Pero Pat, I've heard your work and I think itong project na 'to this is not you. You could do better, you've always been better. Pero parang itong work na 'to, I don't feel you. I don't feel Pat in that musical score. It felt as if you were not in the right mind and it felt as if someone else did it. And sorry Pat, pero parang wala yung puso mo."sabi niya.

I glared at her. How dare her talk about my music that way. Pinagpaguran ko yung project na yun.

"Pat, I know we're both struggling with what's happening between us and I know you're distracted. I'm sorry, but look, I'm not apologizing for criticizing your work kasi I know there's more to you. Look... I... basta, I'm really sorry Pat. Yun na lang."

"If there's anything that I can do to make it up to you, sabihin mo sa 'kin. Kung ayaw mo akong kausapin o kung ano man, that's okay, I would do that. I would stay away. Just let me know kung paano mo ako mapapatawad."sabi niya.

"Gusto mong mapatawad kita? Pwes ayaw na kitang makita. O mapapatawad lang kita kung makakahanap ka ng panda na mas malaki pa sa 'kin, dito sa Pilipinas at mapapasayaw mo sa harap ko."

"Pat naman."

"Pumili ka lang."sagot ko sa kanya sabay pinagbagsakan ko na siya ng pinto.

You really did it this time Reoma. Ngayon sukdulan na talaga ang galit ko sa'yo.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon