Part 13

322 5 0
                                    

Kinabukasan nagulat ako na may sasakyan na sa harap ng bahay namin. Pero mas nagulat ako nung bumaba si Agnes.

"O kanino mo naman ninakaw tong sasakyan na to?"

"Grabe ka naman sa ninakaw. Akin to."

"May sasakyan ka naman pala eh bakit nakipagagawan ka pa ng taxi nung nakaraan?"

"Akala mo naman ako lang yung may sasakyan na nakipagagawan sa taxi. Ikaw din naman ah."

"Eh kasi nga nasa casa sasakyan ko so wala akong choice kundi magtaxi. Eh ikaw?"

"Hiniram ng kapatid ko yung sasakyan ko. Nagpadrop lang ako sa kanya kasi out of the way. Ayoko siyang abalahin."

"Wow bait mo naman."

"Sino ba may sabi sayong hindi ako mabait? Sa'yo lang naman ako ganito."

"Ah ganon?"

"Ano ba sasakay ka ba o hindi?"

Bubuksan ko na sana yung pinto pero naunahan ako ni Agnes at sa sobrang bilis ng pangyayari tinamaan ako nung pinto.

"Aray! Ano ba yan!"

"Aba kasalanan ko bang tatanga-tanga ka."

"Kaya ko naman kasing buksan yung pinto!"

"Chivalry nga di ba?"

"Chivalry mo mukha mo."

"Lahat kasi ng sumasakay sa kotse pinagbubukas ko ng pinto bakit kasi excited ka?"

"Sabi mo sumakay na ako di ba?"

"Oo nga. Pag sinabi ko bang tumawid ka tatawid ka agad."

Sumakay na ako sa sasakyan nya tapos nagbyahe na rin kami papunta sa office. I realized na karamihan sa kantang pinapakinggan ni Agnes, halos yun din ang laman ng playlist ko. Pagdating naman sa office, nauna na akong umakyat kay Agnes.

Halos mabilis lang din yung oras kasi super busy ko ngayon. Hindi ko nga rin naramdaman kung nasaan si Agnes maghapon kasi tahimik siya. Magkasama pa rin ata sila ni Jam dahil may mga kailangan pa silang tapusin for their onboarding. Nung medyo malapit na maglunch, nagpaalam ako kela Nicole na mauuna na ako bumaba. Nasa meeting pa kasi sila and I wanted to stretch my legs muna.

"Solo flight ah."

"Uy Charlie. Aga mo bumaba ah."

"Bakit mag-isa ka? Nasaan yung girlfriend mo?"tanong niya sabay lumapit siya sa 'kin.

"Si Agnes? Hindi ko girlfriend yun."

"Ah... I see. Sila Nicole?"

"Nasa meeting pa eh."

Hindi ko maexplain yung feeling kapag si Charlie ang kasama ko. Feeling ko lumulutang ako. Feeling ko wala akong dapat alalahanin. Minsan iniisip ko kung bakit ba umaasa pa akong magugustuhan niya ako. Nagkwentuhan lang din kami pero maya maya nagpaalam na siya kasi inaya na siya ng mga ka-department niya. Magkakasama kami sa office pero ibang floor sila Charlie kaya bihira kami magkita. Umakyat na ulit ako sa floor namin para sunduin sila Nicole.

"Baks. Andyan ka lang pala. Kanina pa ako tumatawag sa'yo."sabi ni Nicole.

"Sorry naman Baks nakasilent phone ko."

"Anyway, tomi na akis. Kain na tayo."

"Sakto pala eh. May dala na akong food."sabi ni Agnes.

"Paano mo nalamang di pa kami kumakain?"tanong ko sa kanya.

"Instinct."sagot naman ni Agnes.

"Tigilan mo nga ako."

"Baks, ang tawag dyan connection. Feeling ko talaga meant to be kayo."sabi ni Nicole habang kinikilig pa siya.

"Utang na loob guys. Please lang."sabi ko sa kanila. Niready na rin ni Agnes yung pagkain namin tapos tinawag lang din niya si Jam.

"Alam mo, cute niyo."sabi ko kay Agnes at kay Jam.

"Bakit wifey, pinapamigay mo na ba ako?"sabi ni Agnes. Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. I swear kung pwede ko lang siyang saksakin ng tinidor matagal ko nang ginawa.

"Ano daw? Wifey?"sabi ni Nicole. "Sandali lang mga bakla! Kinikilig ako!"dagdag niya.

"Che! Ito kasing si Agnes kahapon pa ako iniinis dyan sa tawag na yan."sabi ko.

"Luh luh luh. Kinikilig ka rin naman baks! Tingnan mo nga namumula ka."sabi ni Nicole.

"Mainit lang kasi!"sabi ko.

"Sorry sorry, akin. Masyado kasi akong hot eh."sabi ni Agnes. Natawa naman sila Nicole sa kanya. Gahd. Di ko talaga alam saan niya hinuhugot yung kapal ng mukha niya.

"Alam mo baks, bet ko tong jowa mo."

"Ay true girl. Bagay talaga kayo."sabi ni Ria.

"Kakain o kakain?"sabi ko sa kanilang dalawa. "Ako nanaman trip niyo ah."

"Mas bagay kaya sila ni Jam."sabi ko sa kanila.

"Hoy Patricia Mae, walang damayan dito. Kayo ni wifey mo ang pinag-uusapan."

"Hoy Jamantha, sabi ko sa'yo wala akong Mae. At baka nakakalimutan mong reporting ka sa 'kin."

"Baka nakakalimutan mong may nakita ako."sabi ni Jam. Napatingin tuloy sila Alex sa kanya.

"Chars lang. Kumain na nga kasi tayo!"sabi ko sa kanila. Kaya tumawa lang sila kasi alam nilang pikon nanaman ako. Susko. Hindi na ba ako pwede magkaroon ng peaceful lunch from now on?

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon