Tingin ko namula ako sa sagot ni Agnes at napansin ko na umiiwas siya ng tingin sa 'kin.
"Landi mo talaga."sabi ni Jam kaya natawa na lang sila.
"Kumain na nga tayo. Gutom na 'ko."sabi ko na lang bago pa kung saan mapunta yung usapin.
After namin magdinner, idinaan ko lang si Jam sa bahay nila habang si Agnes naman yung naghatid dun sa iba. Pag-akyat ko sa condo, dun ko naramdaman na sobrang napagod din ako sa maghapon pero nag-enjoy naman ako na kasama ko sila. Pagpasok ko ng unit, nakita ko na nakaupo lang si Agnes dun sa sofa pero nakasandal na yung ulo niya sa may sandalan.
"Agnes? Are you sleeping already?"sabi ko sa kanya. Tahimik siya maghapon and I really find it unusual.
"No."sabi niya pero hindi siya lumingon sa 'kin. Lumapit ako sa kanya to check on her. Hindi ko alam kung anong nakain ko but I feel compelled to talk to her.
"Can I sit beside you?" Nakita ko na tumango lang siya. Nakapikit lang siya and she was still resting her head dun sa sofa. Siguro napagod lang din siya sa rehearsal.
"Are you okay?"sabi ko sa kanya habang umuupo ako sa tabi niya.
"Yes. Just tired."sagot niya. Nanibago ako bigla sa version ni Agnes na nasa harap ko. I've never seen her this quiet or this serious.
"Do you want to talk about it?"tanong ko sa kanya. Umiling siya. Sinandal ko lang din yung ulo ko dun sa upuan. We both just sat there in the silence.
"I saw Raisa today."sabi niya. Hindi ko alam kung bakit ako nagulat pero bigla akong napatingin sa kanya.
"And?"
"And I don't know. So many thoughts rushed to my head and hindi ko alam how to process everything."
"May nangyari ba?"
"Wala. I don't think she even saw me."sagot niya. "I'm just bothered with the fact na, I don't care anymore."dagdag niya. I looked at Agnes. She was still unmoving and she still had her eyes closed.
"And that bothers you, why?"
"Kasi I'm still supposed to feel something for her, shouldn't I?" I kept quiet. Hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni Agnes. Does she still want to be stuck up with her relationship with Raisa?
"Ewan ko. I'm probably just confused. Or tired. Or hungry. Or I don't know. Magulo lang talaga ako today. Sorry."sabi niya bigla.
"You don't have to say sorry."sabi ko. "But if you're hungry, let me make you something."dagdag ko tapos tumayo na ako at pumunta ng kusina. Mukhang may instant noodles naman ako na pwedeng iluto para sa kanya.
Habang nagpapakulo ako nung tubig, narinig kong tumayo si Agnes mula sa sofa. Narinig ko na naglalakad siya palapit sa 'kin. Gutom na nga siguro din talaga siya. Kumain naman kami kanina, pero dahil marami siyang iniisip, mukhang konti lang din kinain niya.
"Pat."
Hindi ko alam kung bakit nung sinabi niya yung pangalan ko, bigla akong nagulat. I felt something that I can't seem to explain. Parang when she said it, it was the first time I heard her call out my name. Nasanay na rin ata akong wifey ang tinatawag niya sa 'kin kaya ganon.
"Hm?"
"Pwede bang ngayon lang?"sabi niya.
But before I could even answer or turn around to face her, I felt a pair of arms wrap around my waist tightly, taking out all the remaining energy I have in me.