Unti-unti na ring umuuwi yung mga bisita namin and halos patapos na rin yung araw. Matatapos na yung araw but somehow I do feel like something's missing. Andito naman si Charlie, yung family ko, yung Bens, and my old friends, and Agnes has already called but I still feel like something's missing. Hindi ko maexplain yung feeling eh. Maybe I really am too old for parties.
Nauna nang umalis yung mga ka-officemate ko and yung ibang relatives namin at sumabay na rin sa pag-alis si Charlie kasi may gagawin pa rin daw siya. Kami-kami na lang ng Bens at nila Nicole yung naiwan kaya magkakasama na rin kami sa isang table.
"So, kayo pala yung bandmates ni Pachuchay."sabi ni Dawn.
"Ah oo. Ang dami namin 'no? Actually kulang pa nga kasi wala yung bassist namin."sabi ni Pao.
"Ayun mga bakla! Yung bandmate nila na wala, yun ang jowa nitong si Pat."sabi ni Nicole.
"Hoy."sabi ko kay Nicole. "Hindi ko nga siya jowa."
"Pero wait Chuchay, sino yung pinakilala mo kanina?"
"Siya yung college landi nitong si bakla na hanggang ngayon, asado pa rin siya.""Ay tanga pa rin bakla?"sabi ni Dawn.
"Ay gustong masaktan?"sagot ko sa kanya.
"Pero bakla. Yung tingin niya sa'yo kanina ah, iba."sabi ni Grace.
"O sorry. Sabi sa inyo, konti na lang mapapa-sa 'kin na rin siya."sagot ko sa kanila.
"Luh luh luh. Di naman kayo bagay."sabi ni Dawn.
"Pait yan?"sabi ko sa kanya sabay tinuro ko yung beer na iniinom niya.
"Ay kasing tamis nyang kinalolokohan mo bakla."sagot niya sabay binaba niya yung beer. Inirapan ko siya.
"Basta kami, solid Agnes."sabi ni Migs tapos ininom din niya yung beer niya."Sino si Agnes?"
"Yung jowa ni Pat."sabi ni Jam. I rolled my eyes.
"Alam niyo kayo, pinakain ko na kayo't lahat-lahat, ako pa rin winawalangya niyo."
"Patingin na kasi nyan Pachuchay! Para masabi namin sino mas bagay sa'yo."
"Wala nga akong picture."sabi ko sa kanila.
"Sus napakadamot. Hindi naman namin aagawin yang jowa mo."
"Hoy. In my defense, wala talaga kaming picture together."
"Wait, I have. Mula sa official band photos."sabi ni Toni tapos pinakita niya kela Dawn yung phone niya.
"Ay wait yeah! I remember her face now. Ito jowa mo? Tapos ayaw mo pa? Ganda ka 'te?"sabi ni Dawn.
"Excuse me, maganda talaga ako."sabi ko then I flipped my hair. Natawa na lang sila Keifer.
"Bumati na ba?"sabi ni Grace.
"Si Agnes?"sabi ko sabay uminom din ako. "Oo. Tumawag na kanina. And hindi naman big deal yun."sabi ko.
"Sus. Hindi daw big deal pero ngiting-ngiti ka after."sabi ni Dawn.
"Kayo, pasalamat talaga kayo at birthday ko ngayon."sabi ko sa kanila.
Pero pagkasabi ko nun, bigla na lang tumunog yung doorbell namin at nagulat kaming lahat.
"Shuta. Malapit na talaga ako maniwalang pwedeng i-summon si Agnes pag sinasabi pangalan niya."sabi ni Jam.
"Dali Pachuchay!"sabi ni Dawn at medyo natawa ako kasi mas kinikilig pa siya kesa sa 'kin.
"Sandali. Ito na nga."sabi ko tapos lumapit na ako sa pinto.
Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako kasi may delivery boy sa labas at may hawak siyang bouquet ng sunflower.
"Kayo po ba si Patricia Lasaten?"
"Ah ako nga po."
"Para sa inyo po ma'am."
Kinuha ko lang yung bulaklak and tiningnan ko yung card na nakadikit.
Wifey,
I wish I was at home. I know it's way too late, but Happy Birthday.
Agnes.
Napangiti na lang ako. Agnes really is full of surprises. Kinuha ko yung phone ko and sinubukan ko siyang tawagan pero cannot be reached siya. Siguro nasa shoot pa. Kaya tinext ko na lang siya. Siguro naman matatanggap niya yun.
Dami mong pakulo. Nahiya ka pang isend na lang sa 'kin yung Spotify link kesa nilagay mo lyrics. Anyway, thank you sa flowers. Drive home safe. Message me once you read this please. •
At dahil lahat sila nakaabang kung sino yung nasa pinto, nakita ko na lahat din sila nakatingin sa 'kin kaya hindi ko na rin naitago yung bouquet.
"Ay. Iba talaga si bakla. In fairness naman Chuchay ah, sweet naman pala si Agnes."
"Tigilan niyo nga ako."
"O siya, cheers na lang!"sabi ni Andrew.
"Hoy mga siraulo kayo, inom kayo ng inom tapos magdrive pa kayo."sabi ko nung napansin kong ang dami na nilang bote sa harap nila.
"Patty, relax. Ako yung designated driver. And I'm not drinking."sabi ni Keifer.
"Well, cheers! Para sa birthday ni Pat!"sabi ni Nicole.
"Cheers."
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa nagpaalam na rin sa 'kin sila Nicole and yung mga Bens. When I checked my phone, nakita ko na late na rin pala kasi. Halos 11 pm na rin and bigla kong naalala na wala pa ring message si Agnes kung nasaan na siya. Siguro super busy nila sa shoot nila. May mga araw kasi na madaling araw na pero hindi pa siya nakakabalik ng hotel. Minsan nga naiinis na ako kasi ino-overwork nila si Agnes. Nagpunta na lang ako sa kusina kasi feeling ko ngayon ko palang nararamdaman yung gutom tapos sakto namang nagring yung phone ko.
"Hello?"sabi ko pero walang nagsasalita sa kabilang line.
"Agnes? Are you there? Are you driving?"sabi ko sa kanya kasi hindi siya nagsasalita. Tiningnan ko yung phone ko kung may signal ba ako. Meron naman. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Aji? Nagsasalita ka ba? Nasa kitchen kasi ako so baka hindi kita naririnig. Hello?"sabi ko sa kanya pero wala pa rin.
Baka nga nasa shoot pa siya kasi minsan walang signal dun. O kaya, baka napindot lang.
Hindi kaya may nangyari na sa kanya? Late na rin kasi and hindi ko alam kung nakatapos na sila sa shoot. Pero kung may nangyari, sasabihan nila sigurado si Papa. Sasabihan naman nila siya di ba? Pero bakit ako kinakabahan?Wag kang mag-isip ng kung ano Pat. Wala lang siyang signal. Okay lang siya. Okay la--
'...'
"Aji? Hello? Are you home?"
"Yes." Napalingon ako.
"I'm finally home."