Halos gabi na ring natapos yung townhall kaya nagmamadali na rin kaming umuwi ni Agnes kasi iniisip ko na magluluto pa ako. Pagdating namin sa condo, nagreready na ako ng iluluto nung biglang nagsalita si Agnes.
"Wifey."
"What?"
"Why don't we just have dinner outside?"sabi niya. "I mean, gusto ko naman yung luto mo, but I think you're too tired to cook and gutom ka na rin probably. Labas na lang tayo. Sagot ko na."sabi niya.
And since libre naman daw niya, pumayag na rin ako. Nagpalit lang kaming damit at nagready na rin kami papuntang mall. Since malapit lang naman sa condo, nagdecide kami na maglakad na lang.
"Aji."sabi niya.
"Huh?"
"Aji na lang itawag mo sa 'kin."sabi niya.
"Ano nanamang punchline nyan?"sabi ko sa kanya. Natawa siya bigla.
"Grabe ka naman. Pati nickname ko binibigyan mo pa ng meaning. Aji kasi tawag sa 'kin sa bahay. Since you're now part of the family, I think okay naman na yung Aji."sabi niya.
Napangiti na lang ako. Minsan hindi ko talaga alam anong tumatakbo sa isip niya, but I smiled when she said that I am now part of the family. I mean, we may not be getting married, but having to spend a few weeks with her had made me feel used to her by now anyway. Siguro beyond this whole setup, nag-eenjoy din naman ako sa company niya.
"Pero di naman kita pipigilan kung gusto mo pa rin akong tawaging wifey."sabi niya. And there she goes again.
"Alam mo, panira ka talaga ng moment kahit kelan eh."sabi ko sa kanya.
After ilang minutes, nakarating na rin kami sa Greenbelt. Hindi ko alam kung saan kami kakain at medyo nakaramdam ako ng pressure kasi kapag kasama ko si Charlie, madalas tinatanong niya ako kung saan ko gusto. Pero pag wala akong masabi, siya na lang din ang nagdedecide. Feeling ko kailangan kong magisip kung saan kami kakain ni Agnes.
Habang naglalakad kami sa mall, nagkakatamaan kami ng kamay ni Agnes kasi ang likot niya maglakad. Para talaga akong may kasamang bata kapag kasama ko siya.
"Ano ba yan Aji! Ipirmi mo nga yang kamay mo para hindi tumatama sa 'kin!"iritableng sabi ko sa kanya.
"Okay."sabi niya.
At nagulat ako when she suddenly took my hand and intertwined her fingers with mine.
"Ayan. Better?"
