After ng rehearsal namin, nag-aya sila Paolo na magdinner. Nagvolunteer naman si Agnes na isabay yung mga walang sasakyan.
Pagdating namin sa restaurant, I noticed how Agnes takes care of the group. Since self-service yung restaurant, nagulat ako na si Agnes yung kumuha ng utensils for everyone and even served us water. Okay lang ba siya? Nung nandun na lahat ng kailangan namin sa table, umupo na rin siya.
"Agnes, may sinasabi nga pala 'tong si Miguel tungkol sa'yo kanina." Uminom lang akong tubig habang nakikinig ako sa kwentuhan nila.
"Hoy ano yan?"sabi niya.
"Wala sabi ko siguro maganda yung partner mo sa office kaya di ka nakatanggi. Gusto mo siya 'no?"sabi ni Migs. Nasamid ata ako sa tubig nung narinig ko yun at tawa naman ng tawa si Jam.
"Hindi ba pwedeng mabait lang ako?"sabi ni Agnes.
"Kilala ka namin Agnes. Dati nga di ka pa pumapasok sa class pag may session. Minsan nga kahit may date ka umaalis ka eh. So mas maganda ba yan kay Raisa?"
"Bakit ba damay nanaman dito si Raisa?"
"Huy grabe iniiwan mo date mo para mag-jam?"sabi ko. Baka sakali lang din na maiba na yung usapan.
"She gets it naman. She knows."sabi ni Agnes.
"Pero ano bang itsura nyan? Maganda ba?"sabi ni Migs. "Luh. Namumula ka."
"Tigilan mo nga ako Migs, baka gusto mong..."sabi ni Agnes tapos tiningnan niya ng masama si Migs.
"Joke lang. Titigil na nga ako."sabi ni Miguel. Natawa na lang si Pao.
"De, ano nga? Maganda ba? Mas maganda kay Raisa?"pang-aasar ni Pao.
"Fine."sabi ni Agnes. Napatingin naman kami ni Jam sa kanya. Naku Agnes, umayos ka ng sagot.
"Mas maganda siya."