After namin mag-bike, mas naramdaman ko na sumakit yung mga binti ko kaya nagdecide kami ni Agnes na magpamasahe. In fairness naman ang gagaling din nila magmasahe. Nung medyo madilim na, nagdrive lang si Agnes until we finally reached an open area that was high enough para makita mo yung buong Baguio city. Pero instead of facing the view, pinark ni Agnes yung sasakyan para yung trunk ang nakaharap sa view.
"Tara?"sabi niya then she went down the car.
Sumunod lang ako sa kanya. She then opened the trunk and folded the seats. She then assisted me para makaupo ako sa loob. Then sumakay siya sa tabi ko tapos inaabot niya lang sa kin yung dinner naming dalawa. Ang ganda nung city lights and since hindi naman super liwanag sa area namin, kitang kita mo rin yung mga bituin pati yung buwan. Pero if anything, I think mas maganda yung mga ngiti ni Agnes kesa sa lahat ng 'to. Agnes then handed me a drink.
"Ang ganda dito."sabi ko sa kanya. She nodded and took a drink.
"I used to come here kapag gusto kong mag-isip and to just breathe."sabi niya.
"Pretty sure nagustuhan din ni Raisa dito."sabi ko sa kanya. She smiled shyly and napakamot sa ulo.
"She hasn't been here."sabi niya kaya bigla akong nagulat.
"What? Why not?"
"Raisa's not the type who would settle for this kind of date."sabi niya. I frowned. Well, it's her loss.
We just looked out the view and habang andun kami pinapakinggan lang namin yung distant na ingay nung mga sasakyan. The night was peaceful and quiet. Sa totoo lang, I prefer this kind of date. Kahit nga ata sa loob lang kami ng condo okay lang. I realized that anywhere with Agnes is good enough.
"I have a funny story."sabi ko kay Agnes just to break the silence.
"Ano yun?"sabi ni Agnes tapos uminom ulit siya.
"You know how I realized I wasn't straight?"sabi ko sa kanya.
"O, how? It's with Charlie di ba?"
"Yes. In a mass."sabi ko.
"What?"sabi ni Agnes habang natatawa.
"Katabi ko kasi siya, and when we held hands, bigla akong kinilig."sabi ko kaya tawang-tawa si Agnes.
"Yeah I'm pretty sure that's what you should feel when you hold someone's hand while in a mass."pang-aasar niya. "That is funny."
"Eh ikaw? How did you know na you weren't straight?"
"Wala eh. I guess, I just figured it out when I fell in love with Raisa."
"Naks. Gender bender. How did you know na mahal mo na si Raisa?"
"Paano nga ba? Hindi ko na rin alam eh. I guess when I can't stop thinking about her. Antagal niya akong kinulit and then one day she stopped and I guess when I missed her that's when I knew."
"Yan tayo sa mga namiss eh. Minsan talaga bigla mong narea-realize na you like someone when they stop being a part of your life 'no? Parang you get to realize it when their absence suddenly became apparent."sagot ko sa kanya.
"Dun mo ba narealize na gusto mo ako?"tanong niya.
"Oo."
