Part 37

359 8 0
                                        

Naisip ko kasing umuwi ng Laguna ngayong weekend para naman makita ko yung mga babies ko at para makita ko rin si Charlie. Chance na rin 'to para makahinga rin kami konti ni Agnes sa isa't isa kaya pumasok muna ako sa kwarto at nag-ayos ng mga gamit ko.

"You're leaving?"sabi niya habang tinitingnan niya yung bag ko na hinila ko palabas ng kwarto nung tinawag niya ako for breakfast.

"Yes. Gusto ko sanang umuwi sa Laguna this weekend. Makakasurvive ka naman without me di ba?"sabi ko sa kanya.

"Clingy mo naman wifey. Oo naman."sabi niya.

"Ang yabang mo porket ngayon makakapagprito ka."sabi ko sa kanya. Natawa na lang siya.

"Do you want me to drive you there?"

"Hindi na."sabi ko sa kanya then I took a sip from my coffee. Paano niya kaya ginagawa 'tong coffee na 'to? Ang sarap talaga.

Hindi ako mahilig uminom ng coffee pero I know a good coffee once I taste it and itong coffee na ginagawa ni Agnes is really good.

Tinikman ko yung niluto niya at medyo natawa ako kasi konti na lang sunog na yung niluto niya. I suppressed a laugh kasi baka mamaya hindi na siya magluto ulit dahil dun.

Nag-usap lang din kami ni Agnes para dun sa project namin at pinaalala niya sa 'kin na may gig kami ng Sunday. Medyo nagdoubt tuloy ako kung uuwi pa nga ba ako ng Laguna. Pero gusto kong makita si Charlie, kaya hindi naman siguro masamang umuwi rin ako. I glanced at the clock at nakita ko na 6 am palang pala. Pero okay na rin para hindi traffic. Nagvolunteer na rin si Agnes na siya na lang ang magliligpit kaya nagready na rin ako palabas. Tinulungan lang ako ni Agnes sa gamit ko at hinatid niya ako sa sasakyan. Pasakay na sana ako nung pinagbukas ako ni Agnes ng pinto, at dahil malapit ako tumama sa noo ko yung pinto.

"Aray!"sigaw ko.

"Hala. Sorry!"sabi niya tapos nilagay niya yung kamay niya sa noo ko. Pinalo ko naman yung kamay niya para alisin niya.

"Pangalawa mo na yan ah! Mamaya magpasa 'to."

"Sorry, sorry. Lagyan mong ice yan once you get home okay?"sabi niya. Medyo nagulat ako sa tono niya. Ngayon ko lang ata narinig si Agnes na tunog concerned. Umaasa ako na sasagutin niya ako na tatanga-tanga kasi ako kaya ako tinamaan. Maaga pa siguro kaya wala pa siya sa mood mang-asar.

"Oo na."sagot ko. Sumakay na rin ako ng sasakyan at nagstart na nung sasakyan. Pagsara ko ng pinto, kumatok si Agnes sa bintana.

"Wifey."

"What?"

"Uwi ka agad ha."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon