Part 18

314 6 0
                                    

Habang kumakain kami ng almusal, narealize ko na malamang hindi pa rin kumakain ng almusal yun si Agnes. Kaya naisip kong ipagdala na lang siya ng breakfast.

"Ma, may lalagyan ba tayo? Malamang kasi hindi pa kumakain si Agnes."sabi ko sa kanya. Nakita ko naman na ngumiti siya.

"Meron dyan. Ipa-ready ko na lang. Next time, mas maganda rin siguro na dapat dito na lang siya magbreakfast sa susunod."sabi niya.

"Hindi yun pupunta dito ma. Okay na yan."sabi ko sa kanya. Maya maya narinig ko na bumusina na si Agnes sa labas.

"Andyan na pala siya Ma. Una na kami. Bye."sabi ko tapos bumeso na ako at lumabas. Paglabas ko nakita ko si Agnes na nakasandal sa sasakyan niya at bukas na yung pinto nung passenger side. Kinukusot niya yung mata niya. Bakit parang sobrang puyat naman siya?

"Hindi ka ba natulog?"sabi ko sa kanya pagtapos naming sumakay pareho.

"Just had trouble sleeping."sabi niya.

"Kaya mo ba magdrive? Do you want me to drive?"

"Yeah I can manage."sabi niya. "Masyado mo 'ata akong iniisip kasi eh kaya hindi ako nakatulog."

"Hindi ba ikaw ang nag-iisip sa 'kin kaya ka napuyat? Aba careful Agnes, baka mahulog ka."sabi ko sa kanya. "Oh. Dinalan pala kita ng breakfast kasi siguradong hindi ka pa kumakain."

"Ang sweet naman ng wifey ko. Baka masanay ako nyan."sabi niya.

"Hoy. Sabi ko sa'yo tigil-tigilan mo yang pagtawag mo sa 'kin ng wifey eh."

"Wala namang lason yan 'no?"sabi niya.

"Tingnan mo ka. Alam mo bakit naman kita papatayin kung mas satisfying naman na i-torture ka? Chars. Concerned na nga ako sa'yo naisip mo pang lalasunin kita."sabi ko sa kanya.

"Aba wifey, ano yan? Change of heart?"tanong niya sabay ngumiti siya.

"Concerned lang. Syempre ikaw driver ko at ikaw kasama ko sa project, kailangan matino ka."sabi ko sa kanya.

"Sus. Aminin mo na lang kasi na you're starting to like me."sabi niya tapos ngumiti nanaman siya sa 'kin.

"Che. Eyes on the road Reoma."sagot ko sa kanya.

"Wifey."

"Ano?"

"Late na ba tayo? Pwede bang dumaan muna tayo for coffee?"sabi niya. Tumango lang ako.

Nagstop kami sa isang coffee shop pero si Agnes na lang ang bumaba. Siya na lang daw ang oorder para sa 'min. Nagulat ako kasi parehong tea ang dala niya.

"Akala ko you wanted coffee?"

"Yeah but namali 'ata ng dinig yung barista eh."sabi niya.

"Eh bakit hindi mo pinapalitan?"

"You know they get charged for wrong drinks right?"

"Yeah, eh tingnan mo, hindi mo tuloy nakuha yung gusto mo."

"Alam mo wifey, naniniwala ako sa 90-10. Yung inconvenience, or yung situation is always just 10%. How we react to it is the 90%. If I will react negatively, eh di masisira na yung araw ko. But I chose to respond positively, kaya I accepted the drink and who knows di ba? I might just like it. So ngayon, instead of the barista actually ruining the day for me, I think she made me expand my list of drinks to order by giving me a totally new drink."

May tinatago rin naman pala talagang kindness and wisdom 'tong si Agnes. I smiled. Ininom niya yung tea na binigay sa kanya at natawa ako kasi halatang hindi niya nagustuhan.

"Do you even drink tea?"tanong ko sa kanya.

"No." I laughed.

"Hay nako Reoma, pa-profound ka pa dyan eh. Ang sabihin mo nagandahan ka sa barista kaya nabudol ka."sabi ko sa kanya.

"Grabe ka talaga sa 'kin wifey."sabi niya tapos nag-sip siya ulit sa drink niya. She made a face and I stiffled a laugh.

"Akin na nga yan."sabi ko sa kanya. "Drink mine instead."

Sinubukan niya yung inabot ko and I can tell na mas nagustuhan niya yun. Ininom ko yung drink niya. Hay nako Reoma. Sobrang ganda siguro nung barista.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon