Part 146

340 8 0
                                    

Natatawa na lang ako kela Dawn kasi iniiwasan nilang lumingon sa 'ming dalawa ni Agnes but I can tell na kinikilig din sila.

"Gusto niyo bang magbreakfast?"sabi ni Agnes which prompted my friends para finally tumingin sa 'ming dalawa pero tuloy pa rin kami sa paglalakad.

"Sige. Tomi na akis eh."sabi ni Nics. "Saan ba tayo pwedeng kumain?"

"Sa bahay."sagot ni Agnes. Feeling ko naramdaman niyang huminto ako kasi medyo nahila ko siya kaya napahinto rin siya sa paglalakad. Tumingin sa 'kin si Agnes and I can tell na gusto niya akong tanungin kung bakit ayaw kong pumunta sa bahay nila. Kumalma ka Patricia, it's not like hindi mo kilala mom niya.

"Or if ayaw niyo dun, we can just find a good resto. Marami namang --"

"Sige sa bahay niyo na lang."sabi ko. Nakita ko na napangiti si Agnes. And kahit sila Nicole napangiti rin sila. I mean, I will face them one of these days, so why not now? Para maihabol ko pa siya sa simbang gabi. Chars.

Naglakad lang din kami and dinidictate lang ni Agnes kung saan kami pupunta. I think naconscious si Agnes kela Grace kaya pasimple niya na lang hinawakan yung mga kamay ko. She then placed both our hands sa likod niya. Pero habang papalapit kami, parang palakas ng palakas din yung kaba ko. Bakit ba kasi ako kinakabahan?

"Are you okay?"tanong ni Agnes. Tumango lang ako.

"Hey."sabi niya tapos huminto siya bigla. "You can tell me anything. You don't need to hide or have reservations. If something's not okay with you, then tell me. Pat, I'm your safe space. I would understand."sabi niya.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na kinakabahan ako na ma-meet yung family niya. O kung paano ko sasabihin sa kanya na natatakot akong di ako magustuhan ng mga kapatid niya para sa kanya. Na baka mas gusto nila si Raisa. Napaisip tuloy ako kung pinakilala niya na rin kaya si Raisa sa family niya. Pero siguro di ba? Kasi kahit nga sila Papa alam na girlfriend niya si Raisa. Biglang uminit yung tenga ko nung naimagine kong pinapakilala ni Agnes si Raisa.

"Kinakabahan lang ako."

"Ha? Bakit?"

"Like what if, hindi ako magustuhan ng mga kapatid mo?"

"Bakit mo naman naisip yun?"sabi ni Agnes habang natatawa siya.

"Wala lang. I mean, si Tita Cy, she's forced to like me kasi best friend siya ni Mama. But your siblings, they don't necessarily have to feel the same. And ayokong isipin nila na inaagaw kita sa kanila."

"Alam mo wifey, maka-ate naman talaga sila. But look at Bea and Jessie, they're okay with all these. And ganon din yung mga kapatid ko."

"Magkaiba yun. Madali ka naman kasing magustuhan."sabi ko sa kanya.

"Aba wifey, does this mean nagugustuhan mo na ako?"tanong niya.

"Alam mo, kakasimba lang natin pero gusto na agad kitang murahin."

"Joke lang. Stop overthinking okay? Magugustuhan ka nila."sabi niya.

"How are you so sure?"

"Kasi madali lang din namang magustuhan ka."sabi ni Agnes sabay kumindat siya.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon