Sa sobrang lakas nung pagkakahila sa 'kin ni Agnes kulang na lang maipit naming dalawa si Max. Nahinto kaming dalawa kasi bigla kaming tiningnan nila Mama at Papa. Sa sobrang gulat ko sa ginawa ni Agnes, hindi ko alam kung bibitawan ko ba si Max o hahatawin ko ba si Agnes kasi sobrang lapit namin sa isa't isa.
Parang kanina lang naconscious siya na magkawahak kami ng kamay at baka makita nila Mama at Papa and now here we are, literally one pug away from hugging each other. It happened so fast and magtatanong na sana ako kung anong ginagawa niya nung bigla siyang nagsalita.
"Atras ka ng atras, matatamaan mo si Manang."sabi niya habang narinig ko na dumaan si Manang sa likod ko and paglingon ko, nakita ko na may dala pala siyang bowl ng arroz caldo. Kung nagkataong tinamaan ko siya, malamang isa sa 'min ang nabanlian nun. Buti na lang pala Agnes was quick to pull me away.
Bumitaw na si Agnes and I tried to compose myself again. Binaba ko na si Max and naglakad papunta sa upuan ko habang nakasunod naman sa 'kin si Agnes. Pinaghila niya lang ako ng upuan at umupo na rin siya sa tabi ko.
Habang kumakain kami, nakikinig lang din si Agnes sa kinukwento ni Jessie kay Mama. And habang kumakain, I realized how Agnes fits well into my family. How she manages to converse with them and lumalabas minsan yung pagka-nerd ni Agnes but I still find it cute.
"Picture."sabi ni Agnes sa 'kin habang kinukuhanan kami ng picture ni Manang. I gave Manang my phone tapos sabi ko picturan niya ulit kami cause I want to have my own copy.
Habang chinecheck ko yung picture, napangiti na lang ako. Kasi I just realized na I'm coming into this new year with all of them. I realized how that usual empty chair during new year is now being occupied by someone I didn't even expect to be sitting down beside me.