Part 4

379 6 0
                                    

Hindi naman ako uminom pero parang ang sakit ng ulo ko. Grabe talaga yung panaginip ko. Bumaba na ako para kumain ng breakfast. Nakakainis pa rin at wala pa rin yung sasakyan ko. Meron kasing tumutunog na kakaiba kaya gusto ni Dad na ipatingin muna. Habang kumakain kami, I instinctively looked out the window. Naging habit ko na yun since I met Charlie. She was neighbor since God knows when and siya lang talaga yung dahilan why I enjoy coming home sa Laguna kahit sa Makati ako nagtatrabaho. And without warning, nagulat ako na dumaan siya.

"Ma, Pa. Bye!"sabi ko sa kanila tapos nagmamadali akong tumakbo para kunin yung mga gamit ko. Sana abutan ko siya para sabay na kaming pumunta sa office. Paglabas ko AY PU --

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!"

"Aga-aga, ingay-ingay."

"Paulit-ulit? Paulit-ulit? Ano ngang ginagawa mo dito?!" Tanong ko sabay tinitingnan ko kung saan pumunta si Charlie.

"Sinusundo ka malamang. Ang bagal-bagal mo."sagot ni Agnes sa 'kin.

"At bakit mo naman ako sinusundo? Isa pa, hindi ko naman sinabing antayin mo ako ah. Tapos ngayon nagrereklamo ka."

"Kung ako lang din naman, kanina pa kita iniwan. Pero ito gusto ni Mama eh kaya ako nandito."sagot niya.

"Eh di sana hindi ka na pumunta dito. Pwede ko namang sabihin na dumaan ka kahit hindi."sabi ko sabay tumingin ako sa kabilang kalsada. Saan ba nagpunta yun si Charlie?

"Ayoko nga. Gagawin mo pa akong sinungaling, eh di ako pang -- Sino ba yung hinahanap mo?"tanong niya.

"Wala."sabi ko. "Tara na nga, late na rin ako."

"Hindi, sandali. May tinitingnan ka eh. Sino ba? Yun ba?"sabi ni Agnes.

"Wala nga! Halika na nga!"sabi ko sa kanya sabay hinila ko na siya.

Habang naglalakad kami, dun ko lang narealize na hindi naman niya alam kung saan kami pupunta. I mean, siguro sinabihan na siya ni Tita Cy pero hindi naman niya alam saan yun. Come to think of it, wala naman talaga kaming alam tungkol sa isa't isa. Actually, wala namang problema dun pero sayang kasi oras ko kung mage-explain pa ako.

"Hoy. Alam mo ba kung saan mo ako ihahatid?"tanong ko.

"Oo naman."

"Alam mo kung saan yung office ko?"gulat kong tanong sa kanya.

"Ano nga ulit pangalan mo?"

"Pat."

"Pat, wag kang feeler. Hindi kita ihahatid sa office mo. Dyan lang kita ihahatid sa bus terminal. May pasok din ako. Wala akong oras para ihatid ka. Sayang sa buhay."

Sabi ko nga. Napahiya pa tuloy ako. Ano nga naman ang aasahan ko sa isang tulad niya? Hindi naman siya yung tipong caring talaga. Kaya ayun, pagdating namin sa bus terminal nagmamadali na akong sumakay at hinayaan ko na siya sa buhay niya. At least I would not see her for the whole day. Nakakasira kasi ng araw yung mukha niya eh.

Pagdating ko ng office, sakto naman na andun na rin sila Nicole. Dumating na kaya si Charlie? Ay hala. Di pala ako nakabili ng kape ko.

"Baks ang shugal mo. Kanina pa kita inaantay. Wala ka bang picture dyan ng jowa mo?"

"Teka, teka. May girlfriend ka na?!"sabi ni Ria.

"Gulat na gulat 'te? Bawal?"sagot ko.

"Wititit bakla! Fiance ang naharbat ni ate mong girl. Kabog di ba? Bongga talaga tong si bakla eh!"sabi ni Nicole.

"IKAKASAL KA NA?!"sigaw ni Alex at ni Ria.

"O ano eksena kayo? Lakas niyo pa konti di narinig nung taga ibang floor. Basta. Mamaya ko na ikukwento. Nasaan na yung bagong music producer?"

"Yung totoo girl? Umamin ka na. Buntis ka ba?"sabi ni Ria.

"Ano girl? Sundan natin si Jesus?"sagot ko sa kanya.

"Gaga. Aba malay ko ba kung bakit ka ikakasal."

"Progressive parents nito ni Patricia eh."sabi ni Nicole. I rolled my eyes.

"Tigilan niyo na nga yan. Nasaan na si bagong producer? Si Sound Engineer?"tanong ko.

"Si sound engineer nasa lobby na."sabi ni Alex. "Pinapasundo ko na. Kumalma ka. Si producer wala pa."

"Anong oras na wala pa siya?"

"Natraffic lang daw. May dinaanan pa daw kasi before going to work."sabi ni Alex.

"Ano ba naman yan. Unang araw niya tapos late siya."

"Grabe ka naman girl kumalma ka, wait lang. May errand lang daw talaga siyang importante. Don't worry, rumor is super talented siya, as in magaling siya."sabi ni Nicole.

"Wala akong pakialam kung magaling siya. Aanhin ko yung talent niya kung late siya. If they won't show up walang difference yun sa pagiging mediocre."

"Ay. Warla si madam ang aga-aga!"sabi ni Nicole.

"Hay nako. Kilala niyo ako when it comes to work dapat professional ka. At ang ayaw na ayaw ko eh mga taong nalelate kasi you need to learn to respect other people's time. Hindi lahat tayo pare-parehong may liberty to spend time waiting for someone na hindi mo naman alam kung dadating."

"Ay. May hugot."sabi ni Ria.

"May hugot."ulit ni Alex. "Anyway, andyan na daw, ayan na nagtext na. Sinundo na rin sa baba. Kumalma ka lang."

"Hay nako."

"Pero chika ko nga madam, by the way highway, sabi naman nila good looking naman daw 'to. Baka naman."

"Baka naman ano?"

"Ay wait. May nakikita akong paparating na... good looking. Ito na ba yun?"sabi ni Ria.

Sinundan ko ng tingin yung direction ng mga mata ni Ria pero wala naman akong nakita. O baka dahil si Charlie lang talaga nakikita ng mga mata ko. Char not char. O kaya baka natatakpan lang nung mga taong dumadaan. Tiningnan ko ulit kung saan nakatingin si Ria. Teka. Sila ata yung papalapit sa 'min. Ang labo na 'ata ng mata ko. Wait. Papalapit nga dito. Pero teka lang.. kilala ko 'to...

ARE YOU EFFING KIDDING ME?

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon