Naturn over na sa 'min yung condo and tinuro lang sa 'min nila Dad kung saan. Pagbukas namin nung unit, una naming napansin na isa lang yung kwarto at isa lang din yung kama.
"Luh. Isa lang yung kwarto?!"
"Mukhang napagisipan talaga 'to ng parents mo ah. Paano gagawin natin? Alam ko na, may maganda akong suggestion."
"Ano?"
"Ako sa kwarto, ikaw dito sa labas."sagot ni Agnes.
"Anong kinaganda ng suggestion na yun? May mas maganda akong suggestion."sabi ko sa kanya.
"Ano?"
"Ikaw sa labas, ako sa loob."
"Wait, alam ko na."sabi ni Agnes.
"Ano?"
"Bakit hindi na lang tayo tabi matulog?"
"Mukha mo!"
"Grabe ka naman, magtatabi lang tayo matulog. Ano bang masama na tabi tayo matulog?"
"Mamaya kung anong gawin mo sa 'kin habang natutulog ako."
"Hiyang-hiya naman ako sa'yo. Baka ako pa pagsamantalahan mo."
"Excuse me, kahit sa panaginip ko hindi ko yun maiisip."
"Eh yun naman pala eh. Anong problema mo na tabi tayo matutulog?"sabi niya.
"Ayoko lang."
"Bakit?"
"Ayoko lang. Isa pa hindi ako sanay ng may katabi."
"Aba wifey, pag mag-asawa na tayo, tabi na talaga tayo matutulog."sabi niya.
"As if naman magpapakasal talaga ako sa'yo. At ano ba, nakalimot ka ba? Hindi nga tayo magpapakasal di ba?"
"Aba malay ko ba kung nagbago isip mo."
"O bakit ikaw nagbago na ba isip mo?"
"Hindi."
"Kaso totohanan na lang tayo dito, alam ko namang gusto mo na ako kaya sooner or later gugustuhin mo na talagang magpakasal. Aba dapat magsanay ka nang magkatabi tayo natutulog." Ang kapal talaga ng mukha nitong taong 'to kahit kelan.
"Ah so ako lang bang inaantay mong gustuhin tong pagpapakasal na 'to? So ikaw gusto mo talaga to?"
"Hindi ah. Pero syempre ayoko namang saktan ka. Kawawa ka naman."
"Wow, how thoughtful. Pero uulitin ko lang ah at baka nakalimutan mo na, pero hindi tayo ikakasal kaya walang need na magsanay tayong matulog together."
"O eh di sino nga sa loob? Sino sa labas? Paano natin 'to isesettle?"
"Toss coin."
"Ayoko nga ng toss coin. Wala namang ka-effort effort yun."
"Eh anong gusto mo?"
"Dapat paghirapan natin."
"Paghirapan? Eh ano ngang gagawin natin?"
"Maglaro tayo."
"Ha?"
"Maglaro tayo. Di ba may Switch ka?"
"Oo."
"Anong games mo? Patingin ako."sabi niya tapos kinuha niya yung Switch mula sa bag ko at nagbrowse ng games.
"Eto na. Mortal Kombat. Yung talo sa labas matutulog."
"Sige game."
Umupo na kami sa sofa at dinock namin sa TV yung Switch. Habang naglalaro kami malapit na manalo si Agnes pero nakakahabol na rin ako. Nagulat ako kasi yung isang kamay niya pinulupot niya sa 'kin at dun niya hinawakan yung controller kaya nakayapos siya sa 'kin.
"Ang daya mo! Umalis ka nga dyan!!"sabi ko.
"Bakit? Wala naman tayong pinag-usapan na bawal mang-distract ah!"sabi niya. "Isa pa kamay lang ginagamit. Buong braso ka ba gumamit ng controller?"dagdag niya.
"Ah ganon."
Lumingon ako sa kanya at inilapit ko yung mukha ko sa mukha niya. Nung nagkatitigan kaming dalawa, nakita ko na namula si Agnes sa ginawa ko at bigla siyang nataranta kaya siya biglang bumitaw sa 'kin sabay pinause niya yung game then she cleared her throat.
"Sige na, sige na. Ako na lang dito sa labas."sabi niya. I smirked.
"Mahina ka pala eh."sagot ko. "Bye."dagdag ko sabay pumasok na ako sa kwarto habang ngini-ngitian ko siya.
Akala mo Reoma ah. Two can play your game.