Part 188

512 6 0
                                    

Nung nagising ako, wala na si Agnes sa tabi ko. Grabe ang sakit ng ulo ko. Nag-ayos lang ako tapos lumabas na rin ako ng kwarto. Paglabas ko nakita ko si Jam at si Toni dun sa may cottage pero hindi rin nila kasama si Agnes. Saan siya pumunta?

Paglapit ko kela Toni, minamasahe ni Jam yung noo niya. Mukhang may hangover din siya. Naalala ko tuloy yung mga sinabi ni Agnes kagabi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"Fuck. Bakit ba tayo uminom kagabi? We still have a gig."sabi ni Jam.

Sumandal na lang ako dun sa sandalan nung inuupuan naming cottage. Sumasakit talaga ulo ko. May gig pa nga pala kami. Paano na nga lang kaya mangyayari sa 'min nito?

"Coffee?"

Napalingon ako. Andun si Agnes at nakangiti lang siya sa 'ming tatlo at may bitbit siyang tray ng coffee.

"Yes. Yes please."sabi ni Toni tapos kinuha niya yung kape at inabot sa 'min.

"Pwede bang tumabi wifey?"sabi ni Agnes. Tumango lang ako tapos umusog din ako. Paano niya nakayanan yun? Samantalang ang dami niyang nainom kahapon.

"Bakit hindi sumasakit ang ulo mo?"tanong ni Toni.

"Puso 'ata ang sumasakit sa kanya."sabi ni Jam at binato siya ng tissue ni Agnes.

I glanced at Agnes. Tahimik lang siyang umiinom ng kape. I wonder kung anong iniisip niya. I wanted to ask her kung totoo ba lahat ng sinabi niya kagabi. O baka dahil lasing lang siya. Nag-excuse si Toni para bumalik sa kwarto. Paalis na rin kami in a few minutes kaya bumalik na sila ni Jam para mag-ayos ng gamit. Nakaready naman na yung sa 'min ni Agnes so I wasn't worried.

Nakatingin lang kami ni Agnes dun sa dagat. The waves sounded peaceful today. Naririnig namin yung mga ibon and nakikita ko yung mga taong naglalakad dun sa may gilid nung dagat.

"Agnes."

"Hm?"sabi niya as she held on to her coffee with both hands.

"Would you like to walk?" Tumango siya and lumakad kami papunta dun sa dagat. Ang sakit ng ulo ko, but I can tolerate it.

Habang naglalakad kami sa may dagat, I slipped my hand in Agnes's free hand and intertwined my fingers with her. Nagulat ata si Agnes. We both just kept walking pero hindi kami nagsasalita. Both of us would just occassionally sip on our coffee.

"Aji, tungkol sa mga sinabi mo kagabi, toto--"

"I meant it."sabi niya kaya bigla akong natigilan kasi huminto siya to face me and she looked right into my eyes. "I meant it."

I just smiled at her then naglakad na ulit kami. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na ganon din naman yung nararamdaman ko for her.

"Aji." I asked habang nakatingin ako sa mga kamay namin.

"Yes Pat?"

"Anong assurance na bukas mahal mo pa rin ako?"

"Wala naman talagang assurance sa future di ba?"sabi niya and we continued walking.

"Then how would I know kung mahal mo pa rin ako bukas?"

"Kasi pipiliin ko pa ring mahalin ka."

I just smiled at Agnes cause somehow I felt like I melt at her words. We just continued walking hanggang sa sinenyasan na kami nila Toni to get our things para bumyahe na. Sa totoo lang, ang sakit pa rin ng ulo ko, but somehow the adrenaline of last night and today is overpowering it. Pero nung sumakay na kami sa van, dun ko naramdaman yung tama nung hangover.

Nagbyahe na kami papuntang Baguio. We still have one day before we actually have our gig. At dahil lasing nga kami last night, lahat kami natulog na lang din pagdating sa resthouse. Nung hapon nagising ako kasi may naririnig akong tumutugtog ng piano kaya sumilip ako from the 2nd floor. Akala ko nung una si Pao but I was surprised to see Agnes. She was doing scales and she was practicing. Natatawa ako kasi sobrang focused niya then she suddenly paused.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon