Part 102

380 7 1
                                    

Pag-alis ni Agnes, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. So far all I feel is confusion and hindi ko na rin talaga alam. Sakto lang din na weekend kaya may chance akong makipagkita kay Nicole today.

"Baks."sabi ko sa kanya.

'Yes baks? ' sabi niya.

"Pwede ba kitang puntahan today? Pwede ka bang masolo today?"

'Clingy mo naman baks. Magkasama lang tayo kahapon, pero pwede naman bakla, pero papakainin mo ako.'

"Sige baks. Sunduin kita. I just need you today."

Binaba na ni Nicole yung phone and pinuntahan ko siya sa condo niya. I think of all people, siya talaga yung makakaintindi sa 'kin. Nics has been my friend since grade school dahil dati nasa Manila ako nag-aaral and we kept in touch kahit na lumipat ako nung high school and fortunately, nagkasama ulit kami nung college.

Inaya ko na lang si Nicole na magsamgyup. Habang nasa byahe kami, sinabi ko sa kanya na aalis kami papuntang U.S. and I might be there for a few days. Pagdating namin sa resto, si Nicole na yung umorder ng food at tumabi ako sa kanya. Habang kumakain kami, sumandal ako sa balikat niya.

"O ano ba problema mo kasi bakla?"

"Baks. Hindi ko nga rin alam."

"Bakla ka talaga ng taon Patricia Mae, paano kita tutulungan kung ikaw nga hindi mo alam kung anong problema mo."

"Si Charlie nanaman ba yan?"dagdag niya nung bumuntong-hininga lang ako.

"Ewan ko ba baks."

"Ano ba kasing hinahabol mo pa dyan kay Carlotta? Ang haba kasi ng buhok mo bakla. Pagupit ka kaya?"

"Baks naman eh. Pero kasi naguguluhan talaga ako. Kasi itong si Charlie lately, nagpaparamdam siya eh. Iba siya lately. Sabi niya she just wanted to reconnect kasi feeling niya ang tagal na panahon naming hindi nakapagusap."

"Baks, baka naman that's all there is to it."

"Pero baks, what if gusto niya na talaga ako?"tanong ko sa kanya.

"Susko naman baks, ayan ka nanaman sa what ifs mo. Bakla, 5 years na yang what ifs mo na yan. Kung bet ka niya, dapat matagal na nyang sinabi."

"Eh baka nahihiya lang siya or baka humahanap lang ng timing, baka hindi niya lang alam paano sabihin, o baka--"

"Baka naninigurado."sabi ni Nicole. I rolled my eyes. Kumain lang muna ulit kami and nung inaantay naming maluto yung food, nagsalita na ulit si Nicole.

"Baks, bet mo pa ba talaga si Charlie? Or bet mo na lang yung idea niya?"

"Siguro? I mean, kinakabahan pa rin naman ako around her. Yung feeling na napapangiti pa rin naman ako kapag nakikita ko siya or the thought of her. And naiisip ko rin naman siya every now and then. Alam mo ba nung nagdate kami, hinawakan niya yung kamay ko baks. Ano yun?! Bakit may ganon? Tingin mo bet na rin ako ni Charlie?"

"Does it matter?"

"Oo naman."

"Eh si Agnes?"tanong ni Nicole.

"Anong si Agnes?"

"Anong feelings mo para kay Agnes?"

"Ewan ko."

"Alam mo baks, sa lahat ng sinagot mo sa 'kin, so far, yan ang pinakatotoo." I rolled my eyes.

"Alam mo bang dumating siya kagabi pag-alis niyo?"

"Ay, ang effort bakla. Tapos bumalik din ng Sagada?"tanong niya.

"Yes. Kanina. Hindi ko alam baks. Somehow nung nakita ko siya kagabi, masaya ako. And there's this feeling na ayoko muna siya umalis."

"Ayun naman pala eh. Bet mo naman pala si bakla."

"Hindi. Hindi yun ganon."sabi ko sa kanya.

"But I did something stupid."dagdag ko.

"Anong ginawa mo?"

"I... kissed her sa cheeks."

"Shuta ka bakla napakaharot mo! Magsama na nga kayo ni Agnes susko."

"Baks. Kaya nga ako gulong-gulo. Hindi ko alam bakit ko ginawa yun. Ewan ko. Lasing ata ako."

"Susko ewan ko sa'yo talaga Patricia. And stop blaming it on the alcohol."sagot niya tapos kumain na ulit kaming dalawa.

"What's holding you back Chuchay?"

"It's not holding back Nics. Siguro kasi, I mean, oo siguro paminsan-minsan naiisip ko si Agnes and there are days na gusto ko siyang makasama o makita, but yung sabihin na mahal ko siya, alam kong wala pa ako dun. Tingin ko si Charlie pa rin naman ang mahal ko."

"Bakla alam mo kasi kung anong problema? It's not about you still loving Charlie eh. Sa totoo lang, you're just making yourself available for her. And I think Charlie's taking advantage of it. Tingnan mo, ngayon siya nag-gagaganyan kasi alam niya na somehow, may iba nang pumapansin sayo, na somehow may iba nang nagbibigay ng attention sayo, kaya ayan. Ngayon nagpaparamdam siya."

"Hindi naman siguro ganon yung baks."

"Baks, wag ka naman ng tanga please?"sabi ni Nicole.

"Eeeeh. Baks, ito na yun eh. Ang tagal ko nga tong inantay di ba? Malay mo ito na yun."

"Patricia, hindi yan yun. Kasi kung yan nga yun noon pa nga dapat!"

"Alam mo bakit ka tumagal ng 5 years, it' not because you like Charlie, it's just because you like the idea of it. You don't want to make yourself available sa iba kasi hanggang ngayon umaasa ka na baka one of these days matauhan siya na gusto ka rin pala niya. Pero bakla, hanggang kelan ka magpapaka-available? Hanggang kelan ka magpapakatanga sa kakaantay?"sabi ni Nicole tapos tinuro niya sa 'kin yung chopsticks niya.

"Baks..."

"Yan. Yan ang problema mo Pachuchay. We've been through this for the last 5 years! We've had this conversation for the last 5 years." She took a deep breath and uminom siya ng iced tea. Feeling ko nahighblood sa 'kin si Nicole at hindi sa kinakain namin.

"Baks, have you ever thought na baka dead stars na lang yang kay Charlie? Na baka you're just in love with the idea of being in love with her, pero sa totoo lang, wala na?" I sighed. Minsan iniisip ko yun. Na baka nga, hindi ko naman na talaga siya mahal. I took a deep breath.

"Gusto kong isipin na hindi. Ewan ko ba baks. Alam mo yung feeling na loving Charlie is all I've ever known? Somehow I do feel na if I stop, feeling ko I would lose a part of me."

"Well. Then that's your problem. You're so comfortable with the idea of not being loved by Charlie na you don't want to let it go anymore. Baks, walang makakatulong sa'yo kundi sarili mo lang."sabi niya. Uminom din ako ng tubig.

"Pachuchay, at the end of the day, you will decide for yourself. Kaming mga friends mo, kami ay pawang mga gabay lamang. Hindi namin hawak ang inyong kapalaran."sabi niya kaya medyo napangiti ako.

Kumain na lang ulit kami ni Nicole. Kumakain naman kami but somehow feeling ko lalo akong nagutom sa mga sinabi ni Nicole sa 'kin.

"Di ba aalis ka papuntang U.S.? Why don't you take that time to think about it? And Pat, you don't need to choose. Hindi naman kailangang now na. Wala ka namang deadline na hinahabol bakla. Give yourself the time and space that you need. Go to the U.S. and choose yourself. Pabayaan mo muna yung puso mong magpahinga. No one is forcing you to decide now, so you don't have to. Pero baks, one of these days, you have to. But for now, pag-isipan mo muna. Wala namang masamang wag pumili. Choose when you are ready. Worry about it, when you need to. Wag mo munang pansinin yung dalawa. And yes, that includes Agnes kasi kahit hindi mo sinasabi, feeling ko dyan ka nalilito talaga."

Tama naman si Nicole. Wala namang pumipilit sa 'kin to make a choice. Baka nga tama rin na magpahinga muna ako habang nasa U.S. kami. I want to stop confusing myself for the meantime and baka nga this is the break that I need.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon