Pag-uwi ko sa bahay, sinabi sa 'kin nila Mama na aalis daw sila bukas kasama sila Bea kaya ako lang ang maiiwan sa bahay. Kaya finally solo ako sa bahay sa weekend. Sa wakas naman makakakuha rin ako ng peace and quiet.
Pag gising ko kinabukasan, nakaalis na silang lahat. Ano kayang gagawin ko ngayong araw na 'to? Nagluto na ako ng breakfast tapos nanuod na lang ng TV. Maya maya narinig ko na may nagdoorbell. Sino naman kaya yun? Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako kasi sinalubong ako ni Charlie.
"Uh... hi Pat."
"Uy. Anong ginagawa mo dito?"
"Uh... ano kasi... nag-jogging kasi ako, tapos naisip ko na baka free ka today. Baka pwede kitang ayain mag-sine."sabi niya. Wait. Tama ba dinig ko? Inaaya niya ako lumabas? Sasama ba ako?
"Ngayon na?"
"Uhm... kung free ka lang naman."
Ano ba? Sasama ba ako sa kanya? Gusto ko naman sumama sa kanya kaya lang, paano 'tong bahay? Pero paano sila Max? Pero ito na yung chance mo Patricia, push na bakla. Ultimate chance ko na 'to para makasama si Charlie. Eh kaso, baka masaya nga ako ngayon pagbalik ko wala na kaming bahay. Teka. Alam ko na pala.
"Or not. Baka may plano ka pala today or baka may kasama ka ng --"
"Ah hindi! Sure. Sige. Pero okay lang bang dun na lang tayo sa mall magkita?"sabi ko sa kanya.
"Talaga? Sure sige! See you later."sabi ni Charlie tapos umalis na rin siya.
Ang ganda talaga ni Charlie. Ibibilin ko na lang siguro kay Agnes yung bahay. Wala naman siguro siyang lakad today. Kaya naglakad na ako papunta dun sa apartment niya at kumatok na ako. Walang sumasagot. Umalis kaya siya? Wala pa ring sumasagot. Kumatok ulit ako. Grabe. Nasaan ba siya? Nilakasan ko yung katok ko. Sigawan ko na lang kaya?
"Agne--"
"ANO?!"sigaw niya sabay bukas ng pinto.
"Kakagising mo lang?"tanong ko sa kanya. Gulo-gulo pa kasi yung buhok niya.
"Hindi. Nakikinig lang ako sa tunog ng tubig."
"Seryoso?"
"Shunga ka ba? Syempre hindi. Tingnan mo nga itsura ko. Malamang kakagising ko lang!" Ang grumpy naman nito pag umaga.
"Sorry naman."
"Anong kailangan mo? O nandito ka ba kasi namimiss mo na ako?"
"Kapal mo. Ganito kasi... ano kasi... aalis ako. Pwede bang bantayan mo yung bahay?"sabi ko sa kanya tapos ngumiti ako sa kanya.
"Ayoko."sabi niya tapos sinaraduhan ako ng pinto.
"Agnes dali na! Buksan mo nga 'to!"sabi ko sa kanya sabay kinalampag ko yung pinto kaya binuksan niya ulit.
"Fine. Pero may kapalit."sabi niya.
"Anong kapalit?"
"Kiss muna."
"MUKHA MO! HINDI NA LANG!"
"Eh di wag."sabi niya sabay isasara nanaman niya yung pinto. Paano si Charlie, Pat? Para kay Charlie!
"SANDALI!"sigaw ko sabay hinarangan ko yung pinto bago sumara. "Fine. Pero isa lang."
"Sige."
"Tapos sa cheeks lang."
"Game."sabi niya tapos ngumiti siya ng pang-asar.
Nakakainis talaga 'to pag ngumingiti. Nilapit ko na yung mukha ko sa cheeks niya tapos nung malapit na 'ko bigla siyang lumingon kaya muntik ko na siyang mahalikan sa lips at sa sobrang gulat ko nasampal ko siya.
"OW! Grabe ka naman! Nagbibiro lang ako. Ilibre mo na lang ako ng lunch."sabi niya.
"Wala pa ako mamayang lunch."
"Eh di ipadeliver mo."
"Oo na, sige na. Aalis na ako."sabi ko sabay umalis na ako.
Sa wakas! Makakalabas na rin kami ni Charlie!