Part 88

407 9 0
                                        

Pag gising ko kinabukasan, nakita ko na tulog pa si Agnes. She was facing me and she was an arms-length away from me. I realized how Agnes looks different without her glasses. Napansin ko na natatakpan ng buhok niya yung mukha niya and I don't know what came over me, pero inayos ko yung buhok niya. And medyo napatalon ako nung gumalaw si Agnes pero hindi naman siya nagising.

At dahil sa takot ko na baka magising si Agnes at makita niya na tinitingnan ko siya, bumangon na rin ako at nag-ayos. Kinuha ko yung camera ko at lumabas na ako ng kwarto namin at sakto naman, andun si Andrew sa baba at nakapagprepare na rin siya ng coffee para sa 'ming lahat at ng breakfast. At dahil kaming dalawa lang ni Andrew yung nandun, tinuruan niya na rin ako paano magprepare ng coffee. Maya maya lang lumabas na rin si Toni at dala rin niya yung camera niya.

"O nakuha mo na yung films?"sabi ni Toni sa 'kin habang tinuturo niya yung hawak kong camera.

"Oo. Binigay ni Agnes kagabi."sabi ko.

"Alam mo bang tinawagan niya pa ako to ask saan siya pwedeng bumili nyan? Eh since driving naman siya pauwi sabi ko sa kanya itry niya sa Hidalgo."

"Uy nice. Naka-film ka na rin."sabi ni Jam mula sa likod ko.

"Dati pa naman. Wala lang akong film."sabi ko.

"Nung isang araw pa nga siya excited na ibigay yan. Kaya siya tumawag sa 'kin hinahanap ka. And gusto lang daw niya malaman kung pauwi na ba tayo. Di mo naman kasi ako sinabihang gagawin mo akong alibi."

Lalo tuloy akong naguilty. Agnes wanted to surprise me pero mukhang mas nasurprise siya sa mga nangyari.

Hay Agnes. Bakit ba ang pa-fall mo?

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon