After ng set nila Raisa, kami naman ang tinawag para umakyat. Habang tumutugtog kami, I realized how focused Agnes is when she is playing. She had her eyes closed and she was passionately playing. Ito talaga yun. This is my favorite version of her. The version of Agnes that is just on fire whenever she plays. I smiled to myself and tumuloy na rin ako sa pagtugtog.
I guess you can say na I was too caught up with playing na I didn't even bother to look at Agnes anymore. Pero when we got to Poch's solo, hindi ko na napigilang mapatingin sa kanya. And I realized how in sync we both were kasi when I looked at her, tumingin din siya sa 'kin and we were bopping our heads in time with Poch's solo. Kahit si Keifer napasabay din sa 'ming dalawa and we looked like kids copying each other's actions.
Namiss kong tumugtog kasama sila. I'll never get tired of this feeling. Nakita ko yung ngiti at gigil sa mukha ni Agnes. I think napansin din ni Jam yung nangyayari kasi nakangiti lang din siya at medyo natatawa pero sumabay din siya sa 'min. Natatawa ako kasi sabay-sabay kaming naghe-headbang. Hay. It feels so nice to play with these guys.
After ng set namin pumunta kami sa gitna para mag-bow, pagkatapos namin mag-bow, nakita ko na nag-aantay pa rin si Raisa sa may backstage at nakatingin pa rin siya kay Agnes kaya I held one of Agnes's hands discretely at nakita ko na nagulat si Agnes. Umakbay siya sa 'kin and I moved my hand around her waist.
"Raisa's still waiting for you."sabi ko sa kanya.
"What?"sabi niya tapos nilapit niya yung tenga niya sa 'kin para mas marinig niya ako.
"Wag ka masyadong umakbay cause we're in public. And I said, Raisa's waiting for you."
"Where?"sabi niya tapos inalis niya yung pagkakaakbay niya sa 'kin and nagpasimple akong tumuro kay Raisa na nasa may backstage pa rin.
"Saw her?"sabi ko. Umiling siya.
"Well, nevermind. Mataas naman bakod mo di ba?"pang-aasar niya.
"Eh ano namang magagawa ng bakod ko sa akyat-bahay mong ex?"sagot ko sa kanya. She laughed.
"I'm not even worried. Pretty sure na di siya makakalapit when you're around."sabi niya.
"Hindi talaga."sabi ko sa kanya. She just smiled and naglakad na kami pababa ng stage.
"Careful, stairs."sabi ni Agnes. Napatingin ako sa kanya. I've never heard her sound so concern.
"O what?"sabi niya.
"Wala. Just... you... just sounded different."sabi ko sa kanya.
"I just gave you a warning kasi tatanga-tanga ka at times."sabi niya. I rolled my eyes.
"Wow. Thank you for your concern." I replied sarcastically. Kaya natawa lang siya. Tiningnan ko kung andun pa rin si Raisa pero mukhang nakaalis na sila. Buti naman.
"Guys, G kayo to stay? Celebrate naman tayo. Namiss ko kayo eh. Lalo na tong si Patty."sabi ni Migs.
"G."sabi namin.
"Pat, get changed na muna. Baka magkasakit ka."sabi ni Agnes.
"Ay wow. Ang caring."sabi ni Andrew.
"Pa-fall."sabi ni Jam at ni Toni kaya natawa kami. Pero dahil pawis nga naman talaga kaming lahat, nagbihis na muna kami tapos nagpunta kami sa isang restobar na medyo malapit dun sa venue. We just ordered food and a few beers.
"Uy nga pala, we're meeting up with someone on Sunday ah. Benefit concert gig. Free up niyo scheds niyo."sabi ni Migs. Tumango lang kami.
"Sino daw beneficiary?"sabi ni Toni.
"Di ko alam details eh. Si Mama kausap eh. Guess we'll find out."sabi niya.