Part 178

390 6 0
                                    

Pagcheck ko ng phone ko, nakita ko na may post si Agnes at napansin ko na picture ko yun dun sa coffee shop pero inedit para instead na kape ang hawak ko, drawing ng sunflower ang nakalagay. Napatingin ako kay Jam at nakangiti lang siya.

"Ikaw may gawa nito 'no?"sabi ko sa kanya.

"Cute ka naman dyan. Pati ang galing ko kaya magdrawing."sabi ni Jam. I just rolled my eyes.

"Bakit mo naman sinend sa kanya yung drawing mo?"sagot ko.

"Eh sabi niya idrawing kita eh."sabi ni Jam.

"Alam niyo kayong dalawa, pag-uuntugin ko na kayo eh."sagot ko sa kanya tapos pumasok na rin kami sa office. Pagpasok namin, sinalubong na agad kami nila Nicole.

"Kagulo nanaman socmed sa inyo ni bestfriend."sabi ni Nicole. "Lalo na siguro kung wifey ang nilagay niya dun."

"Di kayo busy 'no?"sabi ko sa kanila tapos pumunta na ako sa workstation ko. Paglapit ko, nakita ko na may drawing ng sunflower sa papel tapos may nakapatong na chocolate. Bigla akong napatingin sa office kasi sigurado akong sulat-kamay yun ni Agnes.

"Andito ba si Agnes?"tanong ko kela Nicole.

"Hindi ko siya nakita."sagot ni Alex.

I checked yung paper and sigurado ako na sa kanya galing 'to. Walang pangalan dun sa drawing but alam kong siya yung nagsulat nito.

Itetext ko pa sana siya nung tinawagan ako ng receptionist na may delivery daw para sa 'kin kaya lumabas na ako ng office.

"Ms. Pat, pareceive po ako nito."sabi nung receptionist namin.

"Ito na ba yung delivery para sa 'kin?"tanong ko habang tinitingnan ko yung box na inabot niya.

"Ah hindi po ma'am. Iniwan po yan ng messenger kanina. Yan daw po yung pinapick up niyong flashdrive."

"Ay okay. Akala ko may delivery para sa 'kin?"tanong ko.

"Ay opo ma'am, pero di ko nga po sigurado kung para sa inyo po. Kasi ito po yung nakalagay, delivery po para kay Ms. Patricia Reoma."

"Kanino?"sabi ko sa kanya

Tapos tumuro siya sa likod ko at paglingon ko bumungad sa 'kin yung isang bouquet ng sunflower. Kagaya nung dinrawing ni Jam.

Biglang uminit yung ulo ko kasi kulang na lang dumikit na sa ilong ko yung sunflower eh. Aalisin ko na sana sa pagkakalapit sa mukha ko yung bulaklak nung nagsalita yung taga-deliver.

"Bagay pala sa'yo yung Patricia Reoma."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon