"Alam niyo yung feeling na I've invested all these feelings para kay Charlie and for years hindi siya nasuklian na parang feeling ko ngayon, whatever attention or love that is being given to me, I feel as if it is magnified. Kaya siguro parang feeling ko parang attracted ako kay Agnes kasi binibigyan niya ako ng attention. And sobrang nakaka-gago nung feeling na 'to kasi hindi ko na rin alam kung anong totoo. Hindi ko alam kung ano to."sabi ko sabay uminom ulit ako.
"Kasi naman baks, lagi mo siyang kasama. Tapos tingnan mo, nage-effort din naman siya sa'yo."sabi ni Nicole.
"Hay nako Patricia. Pa-fall kasi siya, pero kasi Agnes is... you know... Agnes just being Agnes. And Agnes is caring, Agnes is sweet, and it's hard to differentiate between Agnes being Agnes and Agnes being pa-fall."sabi ni Jam.
"Pa-fall kasi si gago."sabi ko.
"Ikaw naman kasi bakla, tanga ka na, ang rupok mo pa."sabi ni Nicole.
"Bwisit kayong dalawa ah. Kanina pa ako di maka-ilag ah."sabi ko sa kanilang dalawa. Nahihilo na talaga ako. Di ko alam kung dahil ba sa alak to.
"Para sa mga marurupok na kagaya mo."sabi ni Nicole.
"Cheers."
"But wait, I don't get it. It's very... very unlikely of Agnes na makipagbalikan kay Raisa."sabi ni Jam.
"Baka nauntog na. Baka napagod na ring mag-effort para dito kay bakla."sabi ni Nicole.
"Tingin niyo?" I took a drink. Napagod na nga kaya siya?
"Pero wait lang ah. Hindi ko naman kasi siya gusto. Pero lately hinahanap ko siya palagi. Alam kong nasa dulo siya lagi ng pasensya ko at gahibla lang talaga pasensya ko sa kanya, pero baks, bakit ganon?"sabi ko.
"Parang kahit gaano siya ka-gago kausap, gusto ko pa ring kausap siya araw-araw. Gusto ko pa ring kasama siya kahit ang sarap niyang ihagis. And somehow gusto ko na palagi siyang nasa tabi ko. Alam mo yung mga paborito ko parang napalitan na lahat ng mga bagay na nagpapaalala sa 'kin tungkol sa kanya. Parang ang ganda ganda na ng sunflower, parang ang ganda ng color yellow, parang ang sarap sa tenga ng bass, parang --"
"Bakla, mahal mo na nga."
"Correction, hindi ko siya mahal."sabi ko. "Hindi ko rin naiintindihan kung anong nararamdaman ko para sa kanya. Basta hindi ko siya mahal."
"Eh ano lang?"
"Ewan ko. Basta hindi ko siya mahal. I just feel Agnes around her."sabi ko.
"Malamang si Agnes siya eh."
"Hindi hindi. Ano... yung feeling. Feeling Agnes."sabi ko.
"Lasing ka na Patricia Mae."sabi ni Jam.
"Hindi pa 'ko lasing. Alam mo yung hindi mo madescribe yung isang feeling? Ganon yung nararamdaman ko for Agnes. Hindi ko madescribe, alam ko lang, I feel it whenever I'm with Agnes."sabi ko.
"I guess yun na yun. Yun yung nararamdaman ko. I feel Agnes when I'm with her."dagdag ko. Hindi ko na alam sinasabi ko. Baka nga lasing na ako.
Pero if I would put a name to all the feelings I have right now, I would rightfully just call it Agnes. Kasi this feeling, I'm not sure what it is, all I know is it is overwhelming. There's this overwhelming feeling na I keep craving for her presence. Na everytime she's there gusto ko siyang hawakan, gusto ko siyang yakapin, and there's this overpowering feeling na I just want her to be there.
"May tama ka na Patricia."sabi ni Jam.
"Hindi ko nga siya mahal."
"Gaga sa alak."sabi niya.
I took a deep breath. Hindi ko talaga maexplain kung anong nararamdaman ko. Biglang nag-flash sa utak ko yung mukha ni Agnes at naalala ko nanaman yung mga ngiti niya and the way her eyes makes me feel calm everytime. Her stares, God those stares. Sa mga mata niya 'ko nakita yung familiarity na sinasabi niya. As if in an old life, I used to stare at them. Home. I am at home. And I want Agnes. Lalo 'kong naramdaman yung hilo ko.
"Shuta. May tama na nga 'ata ako."sabi ko. Tinakpan ko yung mukha ko ng dalawang kamay ko dahil nahihilo na talaga ako. Sa alak man o sa nararamdaman ko.
"Sabi sa'yo senglot ka na eh."
"Hindi, gaga."
"Eh ano?"tanong ni Jam.
"Kay Reoma."