Sinundo na nila Papa si Bea at sinama umuwi na kami ng Laguna. At dahil hindi ako makakalabas para uminom, nagkulong na lang ako sa kwarto. Wala talaga ako sa mood na makipag-usap sa kahit sino sa kanila. Naiinis pa rin ako. Ano ba kasing nilanghap nilang hangin at naisipan nilang ipakasal ako? Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko si Nicole. After ilang ring, sumagot din siya.
'Hello? 'sagot niya.
"Baks!"
'What's up? '
"NAKAKAINIS! ALAM MO BANG IPAPAKASAL AKO NILA PAPA SA ISANG BABAE NA SUPER SELF-CENTERED, OVERLY CONCEITED, SOBRANG EPAL, MAKAPAL ANG --"
'Baks kumalma ka! Sandali. I can't cope. Anong ikakasal ka na? '
"My parents apparently has decided na ipakasal ako sa anak ng best friend ni Mama."
'Maganda naman ba? '
"Oo."
'Bet na bet? '
"Oo nga."
'Gora ka na dyan baks. Pwede na yan! Wag ka ng choosy baks! '
"Utang na loob naman baks! Hindi ko nga siya type!"
'Hoy Patricia, tigilan mo akis. Ang sabihin mo, nagpapakabaliw ka pa rin dyan kay Carlotta. Tigilan mo na siya baks. Kasi kung bet ka niya, dapat noon pa siya umamin sa'yo.' sagot ni Nicole.
"Aray ko naman girl. Bakla ang sakit ah. Di ako nakailag. Salamat."
'Bakla ka ng taon, kung hindi pa kita i-uuntog, kelan ka pa matatauhan? Pero kung bet mo pa rin naman magpakashunga, wala naman akong magagawa. Anyway girl, tawag ako ni Inang Mother. Itulog mo na lang yan. See you sa office bukas baks. Bye.'
Binaba ko na rin yung phone at humiga na ako sa kama. Can this day get any worse? Pero baka tama si Nicole. Baka tulog lang talaga katapat nito. Feeling ko bukas pag gising ko wala na lahat 'to. Baka binabangungot lang talaga ako.
Pero grabe. Sobrang samang panaginip lang talaga lahat ng 'to.