Part 20

315 5 0
                                    

Naiinis pa rin ako hanggang ngayon sa mga sinabi ni Agnes kahapon. I know she's just trying to push me but hindi naman niya alam gaano kalaking effort na yung binuhos ko para dun. I glanced at the clock at nagulat ako na hindi pa rin siya nagpapakita o nagpaparamdam. Then I guess napili na niya yung way niya. Tama lang na wag na siyang magpakita. Nagready na ako at pumasok na. Pagdating ko ng office, napansin ko na wala pa rin siya.

"O, nasaan si Agnes?"sabi ni Jam.

"Aba malay ko kung nasa'n siya. Hanapan ba ako ng nawawalang tao?"

"Pangit gising mo? Meron ka ba?"

"Uy baks. Wala si jowa?"

"Unang-una hindi ko siya jowa. Pangalawa, bakit niyo ba siya sa 'kin hinahanap?"

"Teka lang guys, naaamoy niyo ba yun?"sabi ni Ria.

"Alin?"tanong ko.

"Ayun o. Yun o. Naamoy niya ba? Medyo amoy na amoy dito eh."sabi ni Ria.

"Ano nga yun?"

"May nangangamoy."

"Na ano nga?"

"Nangangamoy LQ."sabi ni Ria.

"Ay ayun nga."sabi nila Nicole.

"Kayong tatlo puro kayo kalokohan! Tigilan niyo nga ako."

"Eh kasi naman, ano ngang pinag-awayan niyo?"

"Wala."

"Eh anong kinakainis mo?"

"Anong kinakainis ko? Agnes being Agnes."sagot ko.

"Oh well, kung wala si Agnes, eh di wala naman tayong magagawa. Nga pala Pat, tapos mo na ba yung tracks para dun sa isang project?"sabi ni Jam.

"Alam mo kailangan ko nga ng drum track dun eh. Kaso walang bagay dun sa mga existing tracks na meron tayo eh."

"I can record for you."sabi ni Jam.

"Marunong kang mag-drums?"

"Well... yeah. I play drums sa mga gigs. I can help. Parinig na lang muna ako nung track."sabi niya.

"Yan pala eh! Sige. Wait, let me pull it up."sabi ko sa kanya tapos pinlay ko na yung music.

Habang pinapakinggan namin yung track, I feel that the music was too bland. Parang hindi siya as interesting and for some reason, as I listen to it, parang hindi niya naiinvoke yung feelings na gusto kong iparamdam in line with the film. Then I remembered what Agnes said. Tama siya. This isn't the kind of music that I want to put out there. I stopped the music.

"Alam mo Jam, sorry. Pero kailangan ko pa pala tong baguhin."

"Bakit?"

"Wala kasing puso."

"Hmm. Got it. Sige lang. Once you have your track, let me know so I can help you with it."sabi ni Jam tapos umalis na rin siya.

Pumasok na ako sa studio para magrecord ulit nung piano track. Sinuot ko na yung headphones at nagtry na ulit ako. As I was playing, bigla kong naalala si Agnes and I suddenly felt guilty. She really meant well. Pero hindi ko rin alam paano ko sasabihin sa kanya na tama siya. Bakit ba kasi ang taas ng pride mo Patricia?

Maya maya nagulat ako dahil biglang nagsalita si Nicole at pinapalabas ako sa studio. Halatang natataranta siya kaya nagmamadali ko ring inalis yung headphones.

"Bakit?"sabi ko tapos nagmamadali akong lumabas.

"Baks! Kanina ka pa niraradyo ng guard! Bumaba ka daw sa lobby. Tara na bakla!"sabi ni Nicole tapos hinila niya na ako papunta sa elevator.

Pagdating namin sa lobby, nagtataka ako bakit ang daming tao at parang may pinapanuod sila. Anong meron? Lumapit kami ni Nicole tapos si bakla biglang sumigaw. Susko Lordt. Paki-void po yung kaibigan ko.

"Ito na! Ito na si Patricia!"sabi niya kaya lumingon lahat ng tao. Susko talaga. Pero humawi naman yung crowd kaya lumapit pa kami ni Nicole at habang papalapit kami, nakita ko na...

May panda...

At sumasayaw nga siya.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon