Nagpalakpakan yung mga tao nung natapos yung music. Tapos nag-bow siya. Kaya naman pala nila ako hinahanap kasi may nakasabit sa leeg niya na I'm sorry Patricia. Anong kahihiyan nanaman ba 'to? Unti-unti na ring umalis yung mga tao kaya kami na lang nila Nicole ang naiwan.
Maya maya inalis niya na yung costume niya at ayun nga, sa ilalim ng mascot na panda, may pawis na pawis na Agnes sa loob. Mga paandar din nito eh.
"Sabi mo, mapapatawad mo lang ako kung makakakita ka ng panda na kasing laki mo na sumasayaw. O ayan na."sabi niya.
"Anong paandar naman 'to at nagpaka-extra ka pa?"sabi ko sa kanya.
"Pat, I'm sorry. Really."sabi niya. Hay nako Reoma. Gagawa-gawa ka ng kasalanan tapos ngayon ganyan ka.
"Patawarin mo na baks!"sabi ni Nicole.
"Oo na."sabi ko sa kanya.
"Bati na tayo wifey?"sabi niya sabay ngiting-ngiti nanaman siya.
"Oo na nga."sagot ko sa kanya.
"Yes!"sabi niya. "Wala man lang ba akong yakap?"dagdag niya.
"Mukha mo. Magpalit ka na nga. Late ka na. Ang dami nating trabaho at uulitin ko yung track na nilait mo."sabi ko sa kanya.
"Akala ko ba bati na tayo?"sabi niya then she frowned.
"Hay nako Reoma para kang bata! Dalian mo na!"sabi ko sa kanya kaya ngumiti lang ulit siya tapos sinamahan ko siya sa parking para kunin yung damit niya. I suppressed a smile. Natatawa kasi ako dahil pawis na pawis talaga siya. Ang init ba naman kasi ng costume niya.
"Pero aminin mo wifey."sabi niya sa 'kin nung naglalakad na kami papunta sa office.
"Ano nanaman?"
"Namiss mo 'ko no?"
"Mukha mo."
"Kahit konti?"
"Mukha mo."sagot ko sa kanya tapos nung papasok na kami sa office humarang siya sa pinto.
"Hoy lumayas ka nga dyan."
"Sabihin mo muna yung totoo. Namiss mo 'ko 'no?"
"Hindi nga. Lumayas ka na nga!"sabi ko habang tinutulak ko siya paalis ng pinto.
"Aminin mo na kasi!"sabi niya habang humaharang pa rin siya sa pinto kaya tinulak ko lang siya ulit.
At pareho kaming nagulat nung bigla na lang bumukas yung pinto and we both lost our balance. Kaya natumba kaming dalawa and I ended up landing on her at nagkauntugan kaming dalawa.
"Ow!"sigaw naming dalawa sabay napahawak kami sa mga noo namin. Hindi ko alam kung bakit pero natawa ako and I realized na tumatawa din siya. Tumayo na lang ako at tinulungan ko rin siyang tumayo.
"Ang haharot!"sabi ni Alex tapos kunwaring kinurot kami sa tagiliran.
"Magtrabaho na nga kayong dalawa."dagdag ni Alex tapos lumabas na rin siya ng office.
Natatawa na lang kaming pumasok ni Agnes sa studio at tinulungan niya na ulit ako para dun sa recording. This time, sabi ko sa kanya tulungan niya na akong magrecord sa ilang parts. Pumayag naman siya. Pinakinggan ko yung ginawa niya and it was good. Napangiti na lang ako.
"Nasisilaw ako."sabi ni Agnes.
"Ha? Bakit?"
"Ang tingkad kasi ng ngiti mo wifey. Nasilaw ako." I rolled my eyes.
"Puro ka kalokohan! Tapusin mo na yan!"sabi ko sa kanya tapos tumayo na ako para lumabas sa studio.
"Pat."
"Hm?"
"Bagay sa'yo nakangiti. You should do that more often."