"Tigilan mo nga ako."sagot ko sa kanya. Ngumiti lang si Agnes.
Nauna na kaming umakyat ni Agnes dun sa conference hall habang naiwan namin sila Nicole sa baba dahil inaantay pa nilang dumating si Jam. Pagdating namin sa taas, naunang pumasok si Agnes and as expected bigla na lang niyang binitawan yung pinto. Buti na lang talaga at napredict ko na.
"Hala sorry wifey."sabi niya. "Nakakalimutan kong kasama pala kita."dagdag niya.
"Ganyan ka naman eh. Lagi mo akong kinakalimutan."sagot ko sa kanya.
"Paano naman kita makakalimutan eh lagi ka ngang nasa isip ko?"
"Ah kaya pala sinaraduhan mo nanaman ako ng pinto."
"Eh naisip lang kita, kaso ayun, naisip ko lang."
"Che! Ewan ko sa'yo."sabi ko sa kanya tapos umupo na rin kami dun sa isang row na wala pa masyadong tao.
"Wifey. Dun ka 'ata dapat sa harap."
"Bakit?"
"Baka di mo makita dito eh."
"Gagu. Napakayabang mo rin eh! Eh di ikaw dun sa harap!"sagot ko sa kanya habang tawang-tawa nanaman siya. Pero bago pa siya makapagsalita, bigla na lang dumating si Sarah at lumapit kay Agnes.
"Uy hi ulit Agnes. May katabi ka na ba?"sabi niya.
"Ah wa--"
"Meron na."sagot ko. "Sorry, nakareserve kasi yan for Jam. Paakyat palang kasi sila ulit, may pinakuha kasi ako sa baba."dagdag ko.
"Ah ganon ba, sige. Dito na lang ako sa harap. Thank you."
"Grabe ka naman makabakod wifey."sabi ni Agnes sabay ngiting-ngiti nanaman siya.
"Hoy. Hindi kita binabakuran wala lang talagang uupuan sila Jam."sagot ko.
"Okay. Sabi mo eh."sabi niya tapos umayos na rin siya ng upo and nilabas niya yung phone niya. Paglingon ko sa gilid ko, nagulat ako kasi andun si Charlie.
"Uy Pat. May katabi ka ba dyan?"sabi niya sa 'kin.
"Si Nicole."sabi ni Agnes. Tiningnan ko siya ng masama. "Bumaba lang kasi ulit kasama ni Jam." dagdag niya.
"Ah okay lang. Sige dun na lang ako sa tabi ni Sasha."sabi ni Charlie tapos lumipat na siya sa harapan.
"Ikaw pang-asar ka rin talaga eh, tapos akong sinasabihan mong binabakuran ka. Eh ikaw tong ganito."
"Anong ganito ako?"
"Ganyan ka. Gumaganti ka. Binabakuran mo ako."
"Binabakuran naman talaga kita."