Nasa holding area kami para sa isang music fest at abala si Andrew at si Agnes na naglalaro. Nasa tabi lang ako ni Agnes habang nakikinig ako ng music nung biglang pumasok yung SUD. At nung pumasok si Raisa, I know that Agnes saw her cause I saw her stiffen and she was focusing so hard dun sa phone niya. I wanted to ask her if she's okay, pero hindi ko alam kung paano. But she was so tense and I can see her sweating.
Siguro hindi pa sila nagkikita since their breakup. This is the version of Agnes na ngayon ko lang nakita. Pero Agnes can't keep on pretending lalo na nung bumati si Migs sa kanila. I mean, we all looked at them dahil nag-hello sila. They all stopped walking and made themselves comfortable. I saw Agnes trying to avoid Raisa's eyes pero Raisa was so intent in looking at her. Tingin ng tingin 'te? I've never seen Agnes this tense. She was so stiff and yung kamay nyang nakadikit sa braso ko sobrang lamig. I stood up para kumuha ng tubig para sa kanya.
"Patricia Mae, nakikita mo ba yung mga tingin ni Raisa? Aba. Bakuran mo yang asawa mo."bulong ni Jam sa 'kin habang umiinom ako ng kape ko.
"Di ko na siya kailangang bakuran. Malaki na yan si Agnes. Kaya niya na sarili niya. Alam kong maganda siya at kung titingnan siya ni Agnes, eh di bahala na siya sa buhay niya. Balikan niya kung gusto niya."sagot ko.
"Patikim nga."sabi ni Jam.
"Ng alin?"
"Yang iniinom mong kape. Parang ang pait eh." I rolled my eyes.
"Arte mo Patricia Mae. Itaas mo yang bakod mo at hindi ata nakikita ni Raisa."sabi niya. Tiningnan ko ulit si Agnes and hindi pa rin siya lumilingon man lang.
Sa totoo lang, hindi ko alam anong dahilan bakit naghiwalay sila ni Raisa. Pero sa itsura ni Agnes ngayon, I can safely assume that it was a bad breakup. I knew that Agnes wanted to fix things between them at one point pero hindi siya natuloy and it probably bothers her until now. Napansin ko na umalis din pala si Andrew sa tabi ni Agnes but Agnes was still oblivious to the stares of Raisa.
At biglang tumayo si Raisa at lumakad palapit kay Agnes.
When I saw na tumayo si Raisa at papalapit kay Agnes, hindi ko alam kung bakit pero nagmamadali akong lumapit sa kanya at bigla akong yumakap mula sa likod niya at pinatong ko yung baba ko sa balikat niya.
Medyo kinakabahan ako kasi the moment na lumingon si Agnes, magkikiss kaming dalawa sa sobrang lapit ko sa kanya. Wag lang talaga siya haharap please.
"Wifey, you're still playing?"sabi ko.
I think I said it loud enough kasi nakita ko from my peripheral na huminto si Raisa sa paglalakad at naibuga ni Jam yung iniinom niya. I felt Agnes slowly unfreeze. She was so stiff akala mo yumakap ako sa istatwa. I wanted to laugh at her pero I can tell she's highly tensed.
"You want me to stop na?"sabi niya.
"No sige lang."sabi ko sa kanya tapos inalis ko na yung pagkakayakap ko sa kanya. I think the point came across already.
"Wait, stay here."sabi ni Agnes tapos pinatabi niya ako sa kanya. Umikot ako at umupo sa tabi niya. Sinandal ko rin yung ulo ko sa balikat niya at pinanuod yung nilalaro niya.
"Grabe. Get a room guys!"sabi ni Poch tapos binato niya kami ni Agnes ng papel. "Nakakasingular." Natawa lang kami sa kanya.
Maya maya tinawag na rin yung SUD para sa set nila. Kaya umakyat na sila para magready, pero palabas na sila ng kwarto nung biglang nagsalita si Raisa.
"Agnes."
Lahat kami napatingin sa kanya and finally, tumingin din si Agnes sa kanya.
"Para sayo yung next song."sabi niya tapos umakyat na siya. Aba teka. The audacity of this girl.