Dahil hindi kami masyadong busy ngayon, bumili kami ng ice cream tapos nagstay lang kami sa pantry para kumain. Small celebration na sa wakas nakatapos na kami ng isang project. Kaya mga isang daan na lang, chars. Habang kumakain kami napansin ko na ang dungis ni Agnes. Para talagang bata 'tong isang 'to. Nakita ko na may chocolate siya sa tabi ng lips niya.
"Humarap ka nga sa 'kin."sabi ko sa kanya kaya sumunod naman siya. Inalis ko yung chocolate sa mukha niya gamit yung kamay ko. Dugyot eh.
Pagkatapos ko gawin yun nakita ko na nanlaki yung mata ni Agnes at namula siya. Anong nangyari sa kanya? Pagtingin ko kela Nicole natigilan din silang lahat at nakanganga. Si Jam naman nakatulala lang sa 'min habang midway siya sa pagsubo nung ice cream. Anong nangyari sa kanila? Anong nagawa ko?
"Wait lang cr lang ako."sabi ni Agnes tapos nagmamadali siyang lumabas ng pantry. Anong nangyari dun? Baka maghihilamos. Ang dungis naman kasi talaga niya.
"FAAAAK!"sigaw ni Jam.
"Huy!"sabi ko sa kanya.
"BAKLA KA NG TAON PATRICIA MAE!"sigaw ni Nicole.
"Teka teka. Bakit?"sabi ko.
"Ano yun baks?! Jowa ka?!"sagot ni Nicole. Naguguluhan talaga ako.
"Girl! Bakla ka ng taon! May pag-ayaw ka pa dun sa tao!"sabi ni Ria. "Wit niya daw bet si ate gurl ah."
"Ha? Teka! Di ko gets. Anong nangyayari?"
"Girl super jowa move nung ginawa mo. Kakaloka ka 'te!"sabi ni Ria.
"Ha? Teka lang wait lang mga bakla. Di ko talaga gets. Anong ginawa ko? Ang dugyot kasi ni Agnes."sagot ko sa kanila. Ang dungis naman kasi niya talaga.
"Girl, imagine kung si Jam ang gumawa nun kay Agnes. Anong maiisip mo?"sabi ni Alex.
"Kung si Jam ang nagtanggal nung chocolate sa mukha ni Agnes, okay lang naman. Bakit? Iisipin ko na..." Bigla akong natauhan. It suddenly dawned on me na dapat nga hindi ko yun ginawa. No wonder nagulat silang lahat. My gahd! What have I done?
"O ano? Natauhan ka na? Baklang 'to. Shuta ka baks. Baks, pag madungis ang mukha ng kaibigan mo, aabutan mo ng tissue o kaya ituturo mo kung saan may dumi. Hindi mo pupunasan gamit ang kamay mo. Nakakaloka ka bakla!"sabi ni Nicole. Shet. Pwede bang magpalamon sa lupa ngayon na?
Maya maya bumalik na rin si Agnes. Mukhang nagulat talaga siya sa ginawa ko kasi hanggang ngayon namumula pa rin siya. Ang tanga nga ng ginawa ko.
Ano ba yan Patricia? Ano nanaman bang naisipan mo?