Part 85

403 9 0
                                    

After maglakad-lakad nila Agnes, tinawag kami ni Toni para magpicture kaya lumapit kami ni Jam kela Agnes. I can tell na medyo ilag pa rin sa 'kin si Agnes. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin or kung paano sisimulan. Siguro pride na lang din talaga, pero nahihiya akong lapitan siya. Pero dahil ang galing nitong sila Jam, napansin ko na ang bilis nilang nawala at kami lang ni Agnes ang naiwan dun. Halos lahat sila pabalik na dun sa cottage.

"Kakain na yata. Bumalik na rin tayo."sabi ni Agnes tapos nagsimula na rin siyang maglakad pabalik. I was aiming for her arm pero I ended up holding her hand instead.

"Aji, wait."sabi ko sa kanya. Tumigil naman siya pero hindi siya lumingon.

"Alam ko naman na mali ako eh. And I should have just told you na I'm going out with Charlie. Wala naman akong dahilan on why I lied and I won't even justify it. And I'm sorry Agnes. I really am. Kausapin mo naman ako please."sabi ko sa kanya and I tugged on to her hand and I tried to make her turn around to face me.

"Aji. Could you please just look at me? Bakit ba ayaw mo akong tingna--"

"Kasi nawawala yung galit ko when I look at you."

Lumingon na siya sa 'kin but the weight of all her words made me stop. Nakatingin siya sa malayo. She sighed.

"Ano?"tanong ko ulit. Bakit ba kasi ganito si Agnes?

"Tanga talaga 'to eh. Kailangan ko ba ulitin lahat ng sinasabi ko?"sabi niya. Umiling siya.

"Forget everything that I said. Kumain na tayo. Gutom na 'ko."sabi niya. But I don't want to forget. Tumalikod na ulit si Agnes at nagsimula na ulit maglakad pero hinila ko yung kamay niya.

"Agnes."

"What?"

"Bati na tayo please? Hindi mo na ba ako love?"sabi ko sa kanya then I pouted. She sighed.

"Ang arte mo. Tara na."sabi niya tapos hinila niya rin ako sa kamay pabalik sa cottage.

Nakangiti naman sa 'min yung banda and I realized na magkahawak pa pala kami ng kamay ni Agnes kaya bigla kong binitawan yung kamay niya. Napatingin lang siya sa 'kin pero wala siyang sinabi. Habang kumakain kami, nagulat ako kasi binigay sa 'kin ni Agnes yung balat nung chicken niya. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako.

"Ayaw mo?"tanong ko sa kanya.

"Okay lang. Pero paborito mo yan eh."sabi niya tapos kumain na siya ulit.

Napangiti na lang ako. Alam kong masama pa rin loob ni Agnes sa 'kin or baka nalilito nga siya talaga pero kahit ganyan siya, ginagawa niya pa rin yung mga bagay na alam niyang matutuwa ako.

Nung inaantay pa namin matapos kumain yung iba, pinakita ni Toni yung mga shots niya sa 'min tapos nagkwento rin siya kung bakit siya bumalik sa film.

"Ay Agnes. Nabigay mo na ba?"sabi ni Toni kay Agnes kaya napatingin kaming lahat kay Agnes. Nakita ko naman na umiling lang siya kaya kumain na ulit kami.
Nagkwentuhan lang din kaming lahat and we found out a few things about each other na hindi pa namin alam. And ang saya isipin na our paths have crossed at one point in time, everyone, except myself and Agnes. Pero ngayon, andito na kami.

After ng lunch, nagrehearse na rin kami at nagready para sa gig namin. Habang nasa van, napansin ko na tahimik pa rin si Agnes pero ngayon, nakikipagkwentuhan na siya kay Jam. Naalala ko nanaman tuloy na sinabi niyang nagseselos siya. Sa totoo lang, ang daming sinabi ni Agnes ngayon na nahihirapan pa akong i-digest. Maikli lang naman yung naging set namin pero pawis na pawis ako. I glanced at Agnes while we were performing and finally nakita ko na ngumingiti na siya.

Nung nakabalik na kami sa resort, nag-aya sila Migs na magswimming at magdinner. Kaya after namin magpahinga, bumalik na rin kami sa beach. We found out na hindi pala marunong magswimming si Agnes. Buti na lang talaga matangkad siya. Nakikipag-asaran pa nga siya kela Andrew and somehow, di ko alam, but my eyes were fixated on her.

Nung medyo giniginaw na kami, bumalik na kami dun sa may pampang and gumawa ng bonfire sila Poch. Nagdala din ng ilang drinks si Andrew.

"Wait. Let's play a game. I got this app na spin the wheel."sabi ni Migs.

"So on one wheel, may names natin and sa kabilang wheel, may activities. So, we will say a random number from 1 to 20. And kapag nagmatch yung number na sasabihin niyo, gagawin niyo yung consequence. Otherwise, pag hindi nagmatch, shot. G?"

"Parang walang panalo dyan sa game na yan ah."sabi ni Toni.

"Hindi meron naman. And madali lang din naman yung consequences. Isa pa, ang objective, malasing."sabi niya tapos tumatawa siya.

So nagspin ng wheel si Migs at napatapat kay Poch at kay Keifer.

"O game. 1 to 20. Go!"

"5"

"8"

"Okay. Shot!"sabi nila Migs.

"Wait. Paano pag sila nanaman yung mapili?"tanong ko.

"Eh di sila pa rin iinom."sabi ni Migs.

"O, wait. Cheers muna. Para sa mga tangang tulad ko."sabi ni Agnes tapos nagcheers kaming lahat.

"O game. Next."sabi ni Migs at sakto naman napatapat kay Jam at kay Poch.

"Hey that's unfair. Ako nanaman."sabi ni Poch.

"Okay lang yan Poch."sabi ni Pao. "Game. 1 to 20. Go!"

"14"

"17"

"Shot!"

Natatawa na lang kami kasi nakaka-ilang rounds na ata kami, wala pa rin sa 'ming nagmamatch ng number and sa totoo lang, nararamdaman kong medyo may tama na rin ako.

"O game. Agnes and Jam."sabi ni Migs. "1 to 20. Go!"

"19"

"19"

"Yun o! Nice! Finally may nagmatch din. O spin niyo yung wheel."sabi ni Migs. Nung nag-spin sila, ang lumabas ay hug.

"O Patty, ngayon lang ah. Wag kang magalit ah."sabi ni Miguel. "Hug lang naman."sabi niya.

"Bakit naman ako magagalit? Sige lang. Go lang."sabi ko. Tapos tumayo si Agnes at Jam tapos nag-hug sila. Natatawa ako kasi feeling ko naconscious silang dalawa pero napansin ko rin na sobrang namumula na si Agnes. Nakarami na rin kasi talaga kami.

"Guys, pwede bang last round na? Nahihilo na 'ko."sabi ni Toni. Kaya nag-agree naman kami. Paubos na rin naman yung iniinom naming lahat.

"G. O ayan! Sakto! Pat and Agnes ulit. Game. 1 to 20. Go!"

"11"

"11"

Napasigaw sila Migs nung parehong number yung nasabi namin ni Agnes. Sa dami-dami naman kasi ng numbers sa mundo, bakit naman kasi 11 din sinabi niya?

Pero okay lang, kasi kanina nung tinitingnan ko yung wheel, mga handshake at akbay lang naman yung nasa consequences, okay lang naman yun. Pero medyo kinakabahan din ako dun sa hug.

Pero nung nag-spin na ulit kami, biglang lumaki yung mata ko when I realized where the pointer landed...

Kiss.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon