Part 61

357 6 0
                                    

Paglabas ko ng elevator sa floor nila Charlie, nagulat pa ako kasi muntik ko na siyang mabangga. Buti na lang mabagal kaming naglalakad pareho.

"Uy. Pat, anong ginagawa mo dito?"tanong niya.

"Uhm. Itatanong ko lang sana kung pauwi ka na eh."sabi ko. Tumango siya.

"Bakit? May kailangan ka ba?"

"Ah ano... ano... baka gusto mo sumabay. Uuwi kasi ako ng Laguna."sabi ko sa kanya.

"Hindi mo kasama si Agnes?"tanong niya.

"Ah hindi eh. Sa condo kasi siya uuwi."sabi ko.

"Well, sige. Sabay na ako."sabi niya. Ngumiti lang ako tapos sumakay na ulit kami ng elevator papunta sa parking.

Habang naglalakad kami papunta sa kotse ko, bigla kong naalala na hindi nga pala nagdala ng sasakyan si Agnes. Paano kaya siya uuwi? Kaya naman na niya siguro sarili niya.

"Okay ka lang?"tanong ni Charlie.

"Yeah, why?"

"Wala. Parang ang lalim ng iniisip mo eh."sabi niya.

"Ah wala. May naalala lang ako."sabi ko. Nagulat ako na pinagbuksan ako ng pinto ni Charlie bago siya sumakay. I just smiled at her.

Habang nasa byahe kami, halos tahimik lang din si Charlie. Hindi ko alam kung bakit but somehow, the silence felt awkward. Somehow I am wishing na sana magsalita siya to clear off the air.

"Bakit ka nga pala umuwi ngayon?"tanong niya.

"Uh.. I need to meet a client kasi tomorrow morning sa Laguna kaya ayun. And since may project and doon yung shoot nila, dun na lang daw kami magmeet."

"Wow. You've really gone places."sabi niya sabay ngumiti siya. Napangiti na lang din ako.

"Pat."sabi niya.

"Hm?"

"Alam mo minsan, namimiss ko yung mga commute days natin nung college." Napangiti ako.

Kahit ako naman, namimiss ko rin yun. How we would often spend time sa bus para magkwentuhan and even on days na hindi sabay yung class namin pero nag-aabot kami sa bus station.

"Ako rin."sabi ko sa kanya. She smiled back.

"Naalala mo yung one time na sobrang sabaw mo, tinatawag kita pero nilagpasan mo lang ako. Tapos pag-upo mo sa likod ko, dun mo lang narealize na andun din ako."sabi niya. Natawa ako.

Sobrang dami kong project nung time na yun, at totoo na sobrang sabaw ko nga kaya hindi ko napansing andun siya. Charlie and I would spend hours para magkwentuhan sa loob ng bus.

Until that one day when I just realized na, I like her. She would always smile at me kapag nakakasalubong ko siya sa hallway ng school. And somehow, whenever I would see her, mapapangiti na lang din ako. Nung naging classmate ko siya, she would sit beside me and kapag sabay kaming umuuwi, lagi niya akong tinutulungan sa mga gamit ko. Charlie had always been caring and polite. And I've often wondered bakit all of a sudden, nawala na lang siya.

"May tanong ako."sabi ko sa kanya.

"Ano yun?"

"Bakit bigla ka na lang nawala noon?"

"Naging busy lang, I guess. I wanted to focus muna sa studies ko eh."

"Why? Was I a distraction to you?"

"Hindi naman. I... I just really needed the time to focus. Pero okay naman na tayo ngayon di ba?" Tumango ako.

"Pat, may tanong ako."

"Go."

"May gusto ka ba kay Agnes?"

Sa sobrang gulat ko sa tanong ni Charlie, muntik na akong mapatapak sa brake.

"What?"

"Sorry. Sobrang straightforward ba nung tanong ko? Palagi kasi kayong magkasama eh. And..."

"And?"

"You look so happy around her."

"Hindi ko gusto si Agnes."sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya.

"Alam mo bang sobrang gusto siya ni Sasha? Minsan sinasadya niyang antayin si Agnes sa elevator eh."

Kaya naman pala lagi namin siyang kasabay. In fairness naman sa kanya, ang effort niyang abangan si Agnes.

"Tingin mo, may chance kayang magustuhan ni Agnes si Sasha?"

"Wala."sagot ko.

"Ouch. Grabe. Is she dating someone?"sabi ni Charlie habang natatawa siya. Did I say that too firmly? Pero yun kasi sabi ni Agnes eh.

"Wala rin."

"Do you know anyone she likes?"

"Ako."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon