Nagcheck ako ng phone ko. Wala pa ring text sila Mama kaya nagstay pa kami ni Agnes dun sa bookstore. Nagtingin lang siya ng mga libro at sobrang seryoso niya habang binabasa niya yung mga summary sa likod. I wonder kung anong klase ng libro ang hinahanap niya. Bumalik na rin kami ng restaurant ni Agnes. So ayun, binuksan niya yung pinto at pumasok na. Nung papasok na ako, binitawan niya yung pinto kaya nauntog ako.
"Sorry! Sorry! Nalimutan kong may kasama pala ako."nagmamadali niyang sabi habang binubuksan niya ulit yung pinto.
"So ano ako? Hangin?!"
"Sa laki mong yan? Hindi rin."
"Ah so sinasabi mo bang mataba ako?!"
"Sabi ko malaki ka. Ikaw nagsabing mataba ka ah."sabi niya.
Dumerecho na kami dun sa mesa nila Mama. Nagulat ako na nagmano siya sa kanila. Marunong din naman pala gumalang. Umupo na rin kami at nag-antay nung pagkain. Nakipagkwentuhan naman si Dad sa kanya tungkol sa first day niya sa office. Nung dumating yung pagkain, nakita ko na nagdasal muna siya. Tapos nagulat ako nung nilagyan niya ako ng pagkain sa plato ko. Kakaiba talaga siya ngayon. Or siguro mabait naman talaga siya. Siguro inunahan lang ako ng first impression ko sa kanya.
"Stop staring at me wifey. Alam ko namang charming ako, pero baka pati parents mo kiligin nyan."bulong niya sa 'kin. And there she is. Back to regular programming.
"Hindi kita tinititigan at pwede ba kabahan ka nga ng konti sa mga sinasabi mo."sabi ko sa kanya.
"Oo nga pala. I have good news for both of you."sabi ni Mama. Napatingin naman kaming dalawa sa kanila.
"Nasabi kasi ni Cy na sinabihan niya si Agnes na sunduin ka everyday and since pareho naman kayo ng work, practical naman yun. Kaso masyadong malayo ang Laguna kung laging pupunta dun si Agnes. Kaya para hindi na siya mahirapan..."
"Hindi ko na siya susunduin?"sabat ni Agnes.
"No. We've decided to buy you both a condo unit in Makati."
"WHAT?!"sigaw namin ni Agnes.
"Practice niyo na ring dalawa yun of living together."
"Bakit hindi na lang sa condo namin ni Bea?"sabi ko kay Mama.
"Jesse will soon move there and since you are starting a family, I think it would be better to have your own place. Ibibigay daw nila yung unit by next week. So you both can move in next week. At para hindi na muna mahirapan si Agnes, she can stay muna sa bahay para sabay na kayong papasok sa work."sabi ni Mama.
"Pero tita, kasi... may hulog pa ako sa apartment ko. Sayang naman. Okay lang naman sa 'kin na susunduin ko na lang si Pat from time to time. Malapit lang naman sa bahay niyo yung apartment."sabi ni Agnes.
"Bakit? Saan ka ba nakatira Agnes?"sabi ni Mama.
"Uhm. Around 2 houses away po mula sa inyo. May internship kasi ako dati sa Laguna kaya dun ako naghanap ng apartment."sabi ni Agnes. I didn't know that she just lived nearby. Pumayag naman si Mama. Pero still, isang linggo lang then we'll move in together.
Ano nanaman kaya mangyayari sa 'min nito?
