Part 174

433 8 1
                                        

"Agnes anak,"sabi ni Papa kaya napatingin kami sa kanya. "Bumalik ka dito sa 16 ha."

"Anong meron?"tanong ko.

"Well, kasi di ba your mom arranged for your wedding. Eh dapat sa 16 na yun. Di na mapacancel yung catering but fortunately may kapatid yung caterer dito sa Manila, and yun na lang magcater. So we'll just hold a dinner instead. Invite your band."

"Ngayong 16?"

"Sa Feb pa naman."sabi niya. I looked at Agnes and she looked tense pero tumango naman siya. Kinakabahan nanaman ba siya?

"Speaking of, since we only have a year left soon, ano bang gusto niyong maging kasal? Gusto niyo ba sa church, or sa beach or saan?"sabi ni Mama.

Agnes looked at me. Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko kasi we haven't talked about the whole wedding. Isa pa, parang ngayon pa nga lang talaga kami nakakamove forward and I'm not even sure if Agnes likes me enough to get married. Napansin ko na maputla at halatang pagod na si Agnes and I guess she must be very tired from our gig and from our drive home.

"Ma, next time na siguro natin yan pag-usapan. Pagod na kami ni Agnes. We can discuss it soon."sabi ko sa kanya. Mukhang naconvince ko naman sila and they dropped the topic. Bumalik na rin kami ni Agnes sa pag kain.

Pagtapos namin kumain, napansin namin na past 1 am na rin pala. Kaya siguro maputla na si Agnes. Malamang pagod na siya dahil talon din siya ng talon sa gig kanina. Inaya ko na si Agnes umakyat sa kwarto ko. Habang andun kami, bigla kong naalala na hindi ko pa nga pala nabibigay yung Christmas gift ko sa kanya. She was checking her phone nung inabot ko sa kanya yung bass habang nakaupo siya sa kama.

"What's this?"tanong niya.

"Christmas gift."sagot ko sa kanya.

"Akala ko yung kiss na yung gift mo?"natatawang sagot niya. Naalala ko nanaman yung ginawa ko nung Pasko kaya namula ako.

"Eh kasi nga andito yan. Buksan mo."sabi ko sa kanya and nung binuksan niya, kitang-kita ko how she was so surprised. Para siyang batang nabigyan ng candy. Ang cute talaga nito.

"You got me a baby bass. Thank you!"sabi niya.

"Napressure kasi ako sa pa-long board mo."sagot ko sa kanya at natawa siya sabay napakamot siya sa ulo. Tapos nakita ko na may kinuha siya sa bag.

"Merry Christmas wifey."sabi niya tapos may inabot siya sa 'king maliit na box. Pagbukas ko nakita ko na may necklace sa loob at may benedictine medal.

"Di ba binigyan mo na ako ng necklace nung Christmas?"sabi ko sa kanya.

"Oo, pero kasi napressure lang ako to give something. Yan talaga regalo ko." I chuckled.

"Bibigay ko sana yan after nung simbang gabi but I didn't get the chance."sabi niya. "May I?"sabi niya tapos tinuro niya yung necklace. Tumango lang ako kaya kinuha niya and pumunta siya sa likod ko at sinuot sa 'kin yung necklace.

"Thank you Aji."sabi ko sa kanya. She just smiled back at me and bumalik na rin kami sa kama.

"Pat."

"Hm?"sabi ko sa kanya so I turned around to face her.

"Thank you for being with me this year."

I looked at Agnes and she may look pale, but her smile remained to be radiant. Who would have imagined that she would be lying here beside me?

"Thank you din. Not just for being with me, but for making me happy."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon