Part 143

391 6 0
                                    

Habang naka-akbay sa 'kin si Agnes, I realized how nice it felt. Somehow nakakatulong yung pag-akbay niya to keep me warm.

"Aji, hindi ka ba giniginaw?"sabi ko sa kanya when I realized she's just wearing a shirt and yet sobrang lamig.

"I'm okay. Sanay na ako. And I don't want you to get sick. Madali ka pa naman magkasakit."

Nung medyo malapit na kami sa restaurant, nakita ko na nag-hesitate bigla si Agnes. Magtatanong palang sana ako, pero nung pagkita ko nung hagdan, nasagot na yung tanong ko.

"Kaya?"tanong niya sa 'kin.

"Sus, yan lang ba?"sabi ko sa kanya tapos umakyat na kami. Pero ang taas pala talaga. We all had to take short breaks to catch our breath.

Natatawa lang sa 'kin si Agnes at tinitingnan ko lang siya ng masama. Hoo Lordt. Ang taas. Kain lang naman gusto ko, bakit ako binigyan ng workout? Napansin ata ni Agnes na nahihirapan ako kasi bumaba siya para kunin yung bag na dala ko. Hinihingal na rin siya pero ngiting-ngiti pa rin siya.

Maganda yung lugar and we have decided to sit near the window. Para siyang mini village sa taas ng building. Inexplain din nila na the place is popular para sa mga vegans. Hinayaan na lang namin sila mag-order since hindi rin naman namin alam kung anong mga specialties nila. Habang inaantay namin yung food namin, nagpasimple si Agnes and she looped her pinky finger with mine habang nasa ilalim ng mesa and I can tell na alam nila Dawn na kinikilig ako based on their judging smile.

"Di ba, dito kayo dati nagpapractice Agnes?"sabi ni Angel. I looked at Agnes and tumango siya.

"Dun. That's where we always practice before."sabi niya habang tinuturo niya yung isang area. I tried to imagine how Agnes would play at naalala ko nanaman yung itsura niya whenever she plays. It made me smile. Somehow it felt nice to know small facts about Agnes. It feels like meeting her again.

Maya maya dumating na rin yung pagkain namin kaya kumain na kami habang nagkukwentuhan sila. I noticed how Agnes is livelier around her friends. Makulit si Agnes but today, she feels lighter. Sabagay, kapag magkasama kami, bihira ko lang din naman makita yung serious at caring side ni Agnes.

"Uy, may tanong pala kami. May malapit bang church sa Veniz? Simbang gabi na kasi bukas."sabi ni Grace.

"Meron. Yung Our Lady of Atonement."sabi ni Agnes. "Sa Veniz pala kayo nakacheck-in?" Tumango ako.

"We'll check it na lang."sabi ko sa kanya kasi for sure magvo-volunteer pa si Agnes na ihatid kami.

After naming kumain, nagpaalam na rin kami nila Dawn sa kanila. I don't want to inconvenience them any further. Alam kong may mga kailangan din kasing gawin si Agnes at yung mga kaibigan niya. Paalis na sana kami nung naramdaman kong hinawakan ako sa braso ni Agnes.

"Uh wifey, wait."sabi niya. "What if, dumaan ka sa bahay mamaya? Sunduin kita? I mean, kung okay lang naman."

Hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng kaba. Well, kilala ko naman si Tita Cy and nakausap ko naman na siya pero hindi ko alam bakit bigla akong natakot na makilala buong family niya.

"Aji, ano... okay lang ba kung bukas?"sabi ko sa kanya. She looked disappointed pero she just smiled back.

"Okay. I'll see you tomorrow then."sabi niya tapos bumeso na siya sa 'min nila Dawn at umalis na.

I watched as Agnes walked away with her friends and we did the same thing, but I decided na lumingon ulit para tingnan siya and I was surprised when she did the same. Ngumiti na lang din ako sa kanya. Kaso paglingon ko sa nilalakaran namin, muntik na ako bumangga sa puno. Leshe ba.

"Ayan. Tingin pa more."sabi ni Grace.

"Tse."

"Bakit kasi hindi ka pa sumama sa kanya sa bahay nila?"sabi ni Dawn.

"Mga bakla, umakyat tayo dito para sa 'ting apat di ba? Hindi naman tayo umakyat dito para sa kanya?"

"Ang sinasabi lang naman namin baks, sayang naman at nandito na rin naman tayo."

"Hindi ako ready mga bakla. Kilala ko naman mom niya, pero ewan ko, natakot ako bigla na what if di ako magustuhan ng mga kapatid niya?"sabi ko sa kanila habang naglalakad kami pabalik sa hotel.

"Bunso ba si Agnes?"sabi ni Grace.

"Hindi ko alam. Ewan ko. Hindi 'ata?"

"See? Pachuchay, di mo pa nga alam lahat tungkol sa kanya eh. Ito yung chance mo for it. To finally know Agnes better."sabi nila.

Sa totoo lang, gusto ko naman. I want to meet her family and to know Agnes more. Kasi feeling ko andito ako sa comfort zone niya, and I want to see what kind of world she's living in. Pero kinakabahan ako na baka mamaya hindi nila ako magustuhan. I don't think I'm ready for that. Mas kinakabahan pa 'ata ako dun kesa sa idea na hindi ako gusto ni Agnes.

Bumalik na kami sandali sa hotel para magplano ulit kung saan pa kami iikot at para magpahinga ng konti. Sobrang dami naming nilakad kaya feeling ko masakit na mga binti ko. To make things worse, nagsisimula na rin akong magka-sipon. Kahit di naman na sobrang lamig sa hotel, hindi ko pa rin inalis yung jacket ni Agnes. I think I just wanted to hold on to it a bit longer. Nag-antay lang kami na medyo gumabi tapos nagpunta na rin kami sa Session Road para mag-ikot tapos bumalik na rin kami sa hotel. Feeling ko ang dami naming napamili.

Paghiga ko sa kama, naalala ko na bukas ng madaling araw, simbang gabi na. Sabi nila, if makakakumpleto ka ng simbang gabi, may isa kang wish na matutupad.

Ano kayang hihilingin ko?

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon