Wala na 'ata akong ibang gusto kundi yung makasama lang si Agnes. To make her happy. Kasi she deserves it. Kasi Agnes is always the one to make an effort in making people happy, and if I can give that happiness back to her, I would.
Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng hotel. I didn't know how to properly say goodbye to Agnes kaya bumaba na ako at kumaway na lang sa kanya. Ewan ko ba. Usually naman bumebeso ako sa friends ko but somehow bigla akong kinabahan at the thought. Kumaway lang din si Agnes at ngumiti bago siya nagdrive paalis.
Pag-akyat ko sa kwarto, gising pa sila Nicole. Mukhang inaantay din nila talaga akong makabalik kasi siguradong nag-aantay sila ng chika. Kinwento ko lang sa kanila kung anong nangyari. After nun nakatulog na rin ata kami kasi ang naaalala ko na lang naririnig ko na yung alarm ni Nics.
Nag-ayos lang kami and pagbaba namin sa lobby, nakita ko na si Agnes na nakaupo at inaantay kami. Maaga 'ata siyang nagising. Nagsimba lang ulit kaming lima tapos paglabas namin, bumili si Agnes ng bibingka para sa 'min. Kumakain kami nung biglang dumating si Andrew at si Erika.
"Uy! Andito na pala kayo."sabi ni Andrew sa 'min. Bumeso lang kami ni Agnes sa kanilang dalawa tapos pinakilala ko yung mga kaibigan ko. And since sa may Veniz din pala sila nakacheck-in, bumalik na lang kami dun para makapagkwentuhan.
Maliwanag na nung tumawag sa 'min sila Miguel para ayain kami na magrehearse. May bago daw kasing nasulat si Pao na kanta na gusto nilang tugtugin namin. We decided to stay na lang sa kwarto para dun magpractice. Medyo hassle ng konti kasi madami kaming gamit at masikip.
Pero ayun, pinarinig sa 'min ni Pao at Migs yung kanta. And I smiled kasi naalala ko yung simbang gabi namin na magkasama ni Agnes. Pero bigla akong natigilan nung kinanta nila yung last part.
"Bilhan mo na siya ng bibingka."kanta ni Pao. "Dahil ikaw na ang aking tadhana."
Biglang tumingin sa 'kin si Agnes at ngiting-ngiti siya. Sa mukha palang ni Agnes alam ko na na may sasabihin siya at alam kong aasarin niya ako.
"Wifey ah. Kaya pala gustong-gusto mong bilhan ako ng bibingka ah."sabi niya habang tumataas-taas pa yung kilay niya.
"Hoy. Hindi ko sinasadya yun. Mas bet ko lang talaga yung bibingka."sabi ko sa kanya.
"Okay, sabi mo eh."sabi niya tapos kumindat siya. Sira ulo talaga 'to si Agnes kahit kelan.
Nagrehearse lang din kami tapos pumunta na rin kami dun sa venue. Pagdating namin sa venue, andun na si Karelle. Siya halos ang nag-aasikaso sa 'min and sobrang busy niya with the preps. May mga mauuna namang performers sa 'min kaya naiwan pa kami sa may holding area.
Habang nasa holding area kami, busy si Agnes sa pag-eedit ng mga videos namin kaya nakasuot sa kanya yung headset niya at nakatutok sa screen. Napakasipag din talaga niya eh.
"Pat?" Napalingon ako at nakita ko na andun si Karelle.
"Uy."sabi ko sa kanya tapos umupo siya sa tabi ko.
"So... ikaw at si Agnes?"
"Alam mo, about that, magkasama kasi kami sa condo and --"
"Relax."sabi niya tapos ngumiti siya. "Okay lang naman."dagdag niya.
Hindi ko alam kung bakit pero pareho naming pinanood si Agnes habang nagtatrabaho siya sa gilid.
"Alam mo, Agnes and I have been friends for so long. Para ko na nga siyang kapatid. Sobrang sutil nyan. At sobrang tigas ng ulo."sabi niya. I smiled. Totoo naman.
"Conceited, at ang lakas mang-asar."dagdag ko. Napangiti rin si Karelle.
"Sinabi mo pa. Ang lakas mang-inis nyan. Pag pikon ka na, lalo ka nyang aasarin."dagdag niya. I nodded.
"Pero Agnes is also the most selfless, caring, and sweetest person I know."sabi ni Karelle. I smiled. Totoo rin yun. "If you need a friend, she'll be there. Like legit kahit nasaan ka atang sulok sa Pilipinas, gagawa siya ng paraan."
"Pat, alam mo Agnes would always hide her true self sa mga tao. She would never show you how vulnerable she is. Ayaw nyang nagpapakita ng weaknesses niya. She would keep you happy even if she's not in the right state of mind. Ganon siya. Which is why I worry about her most of the time."dagdag niya.
"Kaya nung naging girlfriend niya si Raisa, naisip ko na finally, I can stop worrying for her. Pero Agnes was a different person around Raisa. I mean, she didn't turn into this negative person and Agnes is still Agnes. Pero she wasn't as bubbly. She wasn't her usual self. She felt more... reserved."sabi ni Karelle. I stared at Agnes and I can't seem to picture an Agnes na hindi mapang-asar. I guess when we meet a person, it's somehow difficult to revise their versions in our heads.
"Kaya thank you Pat. For bringing back the Agnes I knew. She's as crazy as she was before, pero she's also happier now. I can tell."sabi niya.
"Hindi naman ako ang dahilan kung bakit ganyan siya kasaya. Maybe getting Raisa out of her life made her happier too."sabi ko.
"Well, there may be a lot of reasons, pero, alam kong isa ka na dun. I may not understand kung ano man talagang meron sa inyong dalawa, but I hope you take care of her. Agnes is not as strong as she wants all of us to think."
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya pero sakto naman na tinawag na kami para sa performance namin. Paakyat na sana kami sa stage nung napatingin ako kay Agnes na nakangiti habang umaakyat siya at kumakaway sa mga tao.
"Karelle."sabi ko bago ako umakyat kaya tumingin siya sa 'kin.
"Don't worry. I'll take care of Agnes for you."
